Sa loob ng briefing room ng Giuliano Police Headquarters, matindi ang tensyon sa ere. Ang Task Force Revelation, ang espesyal na yunit na inatasang sugpuin ang Scarface Cartel, ay tahimik na nakikinig kay PltCol. Hidalgo. Sa harap, nakalatag ang isang detalyadong blueprint ng Roadside Club, ang kilalang pugad ng mafia organization.
"Ladies and gentlemen," panimula ni Hidalgo, malalim ang boses. "This operation is critical. Our main objective is to suppress the Scarface Cartel and intercept their planned transaction with the Sinaloa Cartel. Tonight is our best chance to cripple their operations. We cannot fail."
Tumayo si Hidalgo sa harapan habang hawak ang laser pointer. Tumutok siya sa isang bahagi ng blueprint, partikular sa likurang bahagi ng club. "This is the main entry point for Team Alpha, led by Plt. Heath. Dito tayo papasok. Based on intel, ito ang may pinakakaunting tao at madaling i-breach. Bravo Team will cover the west side to prevent any escape."
Habang patuloy si Hidalgo, tumayo si Plt. Heath, ang team leader, upang magbigay ng mas detalyadong plano. Kilala si Heath sa pagiging maingat at walang palya sa operasyon, kaya’t lahat ng miyembro ng team ay nakatuon sa kanya.
"The operation starts at 0200H sharp," simula niya, gamit ang pointer para ipakita ang galaw ng bawat grupo. "Alpha Team will breach through the backdoor using a C4 charge. Kailangan natin ng mabilis at tahimik na galaw para makuha ang element of surprise. Once inside, we secure the main hallway leading to the VIP lounge, where the Scarface leaders and Sinaloa representatives will likely be conducting their deal."
Tumigil siya sandali, sinigurado niyang naiintindihan ng lahat ang mga detalye. "Bravo Team, kayo ang magsisiguro na walang makakatakas. Position yourselves on the west side at maghanda sa anumang tangkang pagtakas. Tactical units will block all other exits. No one gets out."
Tumango si Sgt. Vega, ang assistant team leader ng Alpha Team. "What about civilians? Alam natin na ang club ay operational pa rin mamaya."
"Good question," sagot ni Heath. "That’s why timing is crucial. Kapag pasok ng Alpha Team, Bravo Team will assist in evacuating civilians. Pero tandaan—ang priority natin ay ang cartel leaders. Siguraduhin n’yong walang collateral damage."
Muling nagsalita si Hidalgo. "Based on our latest intel, Cobra, the underboss of the Scarface Cartel, will personally oversee the deal. Kasama niya ang ilang tauhan na heavily armed. Ang representatives naman ng Sinaloa ay hindi kasing dami, but they are equally dangerous. Expect resistance."
Nagpakita siya ng ilang larawan mula sa intelligence report—mga CCTV snapshots ng mga target. "Ito ang mga mukha ng high-value targets. Cobra and the Scarface Don are priority number one. Kapag siya ang na-neutralize natin, malaking blow ito sa Scarface Cartel. The Sinaloa representatives will be detained for questioning. This will send a message to all other cartels operating in the city."
Habang papatapos ang briefing, sinigurado ni Heath na malinaw ang bawat detalye ng plano. "We will have comms open the entire time. All teams, report every movement. Kapag may nakita kayong pagbabago sa sitwasyon, immediately relay it. Vega, ikaw ang bahala sa fallback plan."
Tumango si Vega. "If things go south, regroup at Point Delta. Tactical units will provide cover."
Tumayo si Hidalgo para tapusin ang pulong. "Gentlemen, tandaan niyo, this operation is not just about stopping one transaction. This is about reclaiming our city. The Scarface Cartel has terrorized Giuliano for too long. Tonight, we fight back."
Mabilis na tumayo ang buong task force. Ang bigat ng misyon ay halata sa kanilang mga mukha, pero hindi ito napipigil ng kaba. Isa-isa nilang kinuha ang kanilang armas at tactical gear. Sa locker room, tahimik ngunit determinado ang grupo. Si Heath, habang sinusuot ang kanyang bulletproof vest, ay tumingin sa kanyang mga tauhan at muling nagpaalala.
"Listen up," ani Heath. "This isn't just another mission. Lives are on the line—ours, the civilians', and even the enemy's. Let's do this clean and precise. No mistakes."
Sumagot ang kanyang team nang sabay-sabay, "Yes, Sir!"
Pagkatapos ng huling detalye ng plano, nagsimula nang maghanda ang buong team. Sa locker room, tahimik ang mga tauhan ni Heath habang isa-isang isinusukat ang kanilang tactical gear—bulletproof vests, helmets, at night vision goggles. Ang tunog ng mga zipper, clanking ng armas, at paghigpit ng straps ang tanging naririnig. Tahimik ngunit malinaw na ramdam ang kaba at excitement.
Si Heath ay abala sa pag-check ng kanyang equipment: isang customized Glock 19, extra magazines, at isang combat knife. Napatingin siya sa kanyang mga tao at nagsimulang magsalita.
"Guys, you know the drill. Hindi tayo puwedeng magkamali. Stick to the plan, watch your corners, and trust your team. This is a high-risk operation, pero hindi natin hahayaan na lumaganap pa ang cartel sa lugar na ‘to. Naiintindihan ba?"
Sabay-sabay na tumango ang mga miyembro niya.
"Yes, Sir!" sagot nila nang sabay-sabay, puno ng tiwala sa kanilang lider.
Si Sgt. Vega, nakangiti ngunit seryoso, ay nagdagdag. "Don’t forget, mga bro. No heroics. Tandaan niyo, babalikan tayo ng pamilya natin pagkatapos nito."
Nagkaroon ng bahagyang tawa sa grupo, pero alam nilang totoo ang sinabi ni Vega.
Ang sasakyan ng Task Force Revelation ay nakaparada sa isang abandonadong warehouse dalawang kalsada ang layo mula sa Roadside Club. Sa likod ng sasakyan, nagsimula nang i-final check ni Heath ang kanilang assault plan gamit ang isang portable tablet na may live satellite feed ng lugar.
"Here's the layout again," sabi niya habang ipinaliwanag ang kanilang movement. "Entry team will go through the backdoor. Cover units, dito kayo sa west side. Tandaan niyo, timing is everything. We hit them at exactly 0200H. Synchronized lahat."
Habang nagpapaliwanag si Heath, nag-interject si Vega. "Remember, may civilians sa loob ng club. Huwag niyong kalilimutan na may mga inosente tayo na kailangang protektahan. Kung may kahina-hinalang galaw, huwag magdalawang-isip. Siguraduhin niyong ang mga tama niyo ay para lang sa mga target."
Tahimik na tumango ang lahat. Naging malinaw ang utos: precise and coordinated. Well, sa pagco-conduct ng raid, isa sa elements ay ang tinatawag na discreet manner dahil kailangan ma surprised ang target to make it successful.
Eksakto alas-dos ng madaling araw, nagsimula nang gumalaw ang Task Force Revelation. Naka-full gear, tahimik na bumaba ang assault team mula sa kanilang armored van, mabilis at maingat na tumakbo papunta sa likod ng club. Ang bawat hakbang nila ay planado, ang bawat galaw ay hindi maririnig.
Sa harap ng club, masaya pa ang mga tao. Ang tunog ng bass mula sa loob ay halos yumayanig sa lupa. Ang parking lot ay puno ng mamahaling sasakyan, indikasyon ng mga mayayamang kliyenteng pumapasok sa club.
"Team Alpha in position," mahinang sabi ni Heath sa kanyang comms habang nakapwesto na sila sa likod. Nasa tabi niya si Vega, naka-ready ang MP5 submachine gun. "Team Bravo, status."
"In position," sagot ng isang boses sa radyo. Ito ang backup unit na naghihintay sa west side.
"Copy that. Standby."
Ginamit ni Heath ang signal jammer para patayin ang anumang external communications ng mga cartel sa loob. Kasabay nito, may isang tauhan na nagtanim ng maliit na C4 sa lock ng likod na pinto. Nang makarinig sila ng "clear" mula sa comms, mabilis na pinasabog ang pinto.
"Move, move, move!" sigaw ni Heath habang pumasok ang kanyang team.