Sa tahimik na opisina ni Kyla, ang tunog lang ng air-conditioning ang pumupuno sa paligid. Sa gitna ng silid, nakaupo siya sa swivel chair habang nakatutok sa kanyang laptop. Suot pa rin niya ang kanyang eleganteng tailored blazer na bumagay sa kanyang high-waisted trousers. Ang kanyang postura ay hindi lang nagsasabing isa siyang successful businesswoman, kundi isang taong hindi nagpapatalo kahit kanino. She's very good looking and very expensive, Jaya lang super sungit rin. At minsan super over-acting pa, para bang araw-araw nireregla. Ang bang meron sa kiffy niya may gripo ba d'yan?
Sa kabilang banda, si Watt Yabro naman ay nakatayo sa gilid ng pintuan. Mukhang hindi pa rin ito makapaniwala sa sinabi ni Kyla. Well, his masungit na boss wanted him to return home early dahil siya nalang daw ang nagmamaneho ng car, which quite unusual.
“Watt…” tinawag siya nito, habang bahagyang sinara ang laptop at tumingin sa kanya. “You can go ahead. I’ll drive myself home mamaya. May lakad rin kasi ako.” Pasumangil ang boses nito, pero halata na may ibang iniisip.
“Ano na naman kaya ang iniisip ng babaeng ‘to?” Napakamot sa ulo si Watt habang nagpipigil ng ngiti. Kahit na ilang are pa lang silang magkasama ay kabisado na niya ang mga pasaring at istilo ng amo niya, pero iba ang timpla ngayon.
“Okay…” sagot niya, habang kinukutuban na baka may catch ang biglaang paalam ni Kyla. “But you’re not firing me, right?” Panigurado ni Watt. Mahirap na baka pagbalik ma may unang driver na si boss sungit, nako iyak malala talaga si Watt Yabro.
Tumigil saglit si Kyla, tila nagulat sa tanong. “No…” sagot niya nang walang emosyon. Ngunit bigla rin siyang ngumiti, pero hilaw ang dating. “May palabra de honor ako, Watt Yabro.”
“Alright…” Tumango si Watt, pero sinamaan ng tingin ang amo. “Mabait ka rin naman pala eh.”
Napataas ng kilay si Kyla, tumingin nang diretso sa kanya na parang tinamaan sa sinabi. “No again. I’m not mabait. I’m just giving you a favor… for now. Well anyways, hindi ko kakaltasan ang sahod mo, kaya no worries, Watt Yabro. Consider this day as your lucky day.”
Napangiti na lang si Watt. Kilala niya si Kyla; may paraan itong pasimpleng tumulong pero kailangan niyang palabasing may sarili siyang pakinabang. Kaya naman hindi na siya umimik pa.
“Can I use your Mercedes Benz?” biglang tanong ni Watt. Halata ang pagbibiro sa tono ng kanyang boses.
Nagtaas ng kilay si Kyla, bahagyang nagulat sa hiling. “Aba, ang kapal naman ng mukha mo…” Napakunot-noo ito at tumingin nang mariin sa kanya.
Pero tumawa lang si Watt. “Alright, I might be late once you call me dahil hindi naman ako instant noodles.” Pabirong sagot niya. “Ayaw na ayaw mo pa naman sa mga nala-late ma'am Kyla…”
Napabuntong-hininga si Kyla. “Sa bagay. Well, you can have it. But make sure walang scratch when you return, dahil gagasgasan ko talaga ‘yang mukha mo.” Muli itong bumalik sa pagtutok sa laptop, tila tinatapos ang kung ano mang importanteng ginagawa.
Habang palabas na si Watt, naramdaman ni Kyla ang bahagyang ginhawa. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan, iniikot ang swivel chair, at tumingin sa salamin ng bintana ng opisina. Tanaw niya ang kaliwa’t kanang gusali sa central district ng Giuliano City.
“I need this opportunity to cover the Scarface Cartel…” sabi niya sa isip, habang sinusuot ang kanyang oversized reading glasses. Napangiti siya, pero ang ngiting iyon ay halatang puno ng ambisyon. Ang Scarface Cartel—isa sa pinakamalaking pangalan sa underground world. Kung magagawa niyang i-cover ang operasyon nito, tiyak na headline material na naman ang kanyang media company.
Nagsimulang tumipa si Kyla sa kanyang laptop, tila naghahanap ng detalye tungkol sa balitang iniuugnay sa Scarface. Base sa tip na ibinigay ni Hidalgo, ang kanilang operasyon sa Roadside Club mamayang madaling araw ay siguradong magiging malaking balita. Pero hindi ito simple. Alam niyang may panganib na kaakibat ito, kaya’t sinigurado niyang may sapat siyang kaalaman bago tumalon sa sitwasyon.
“See you, Scarface Cartel…” bulong niya sa sarili habang iniisip ang posibleng eksklusibong scoop. “You’re going to make me famous again.”
Habang pababa ng elevator si Watt, hindi mawala ang ngiti sa kanyang mukha. Alam niyang may ibang dahilan si Kyla kung bakit niya ito pinalayo. “Ganyan naman ‘yan. Laging may plano, pero ayaw aminin.” Napailing siya, sabay labas ng building at diretso sa parking lot kung saan nakaparada ang BMW ng amo niya.
Pag-upo niya sa driver’s seat, huminga siya nang malalim at ini-start ang makina. “Well, I'll use the BMW instead of the Mercedes Benz.” Ani niya. “Pabayaan mo na, Watt. Basta walang gasgas, walang problema.” ngumiti siya habang inaayos ang rearview mirror. Kahit pa minsan ay masungit at demanding si Kyla, sa loob-loob niya, gusto pa rin niyang protektahan ito. Isa na rin kasi itong malaking bahagi ng buhay niya bilang driver—at minsan, tagapagligtas. Well, sometimes he thought of it kung bakit Niya ito ginagawa kay Kyla, but he always ended up thinking that she becomes his responsibility. Perhaps, alam kasi ni Watt Yabro ang panganib na dala ng mga pinapasok ni Kyla. He just wanted to make sure that she'll make it through.
Balik sa opisina, tumingin si Kyla sa wall clock. Alas-singko pa lang ng hapon, ngunit alam niyang mabilis na lilipas ang oras. Binuksan niya ang kanyang leather notebook kung saan nakalista ang mga detalye ng tip ni Hidalgo. Mabilis niyang binasa ang address ng Roadside Club, pati na rin ang mga oras kung kailan magkakaroon ng operasyon ang task force.
“This is it,” sabi niya habang muling sumandal sa kanyang upuan. Napakalaki ng oportunidad na ito para sa kanyang media company. Kung magawa niya nang tama, siguradong tataas ang ratings ng kanilang balita, at mas lalong makikilala siya bilang isang fearless journalist. Ngunit alam niya rin ang peligro ng kanyang plano.
Sa kabila ng kanyang matibay na panlabas na anyo, isang maliit na bahagi ng kanyang isip ang nagtatanong. “Kaya ko ba talaga ito? Worth it ba ang panganib para sa headline?” Ngunit agad niyang pinawi ang pag-aalinlangan. “Of course! It is more than just enough.”
Sa labas ng opisina, nakita ni Kyla ang dahan-dahang paglubog ng araw mula sa bintana. Tumayo siya, inabot ang kanyang trench coat, at inayos ang kanyang gamit. Inihanda niya ang sarili para sa darating na gabi—at para sa misyon na siguradong magbabago sa takbo ng kanyang karera. Kahit pa super risky ng isang ‘to, hindi niya ito alintana. It only adds to the curiosity, and even makes her want to do more.
She hoops into her car in the parking lot. Mayroon kasi silang company truck na gumagamit tuwing may ganitong ganap. Well, basically she is the owner of the company so she has the right to do whatever she wants.
She was planning to go there alone. Para iwas na rin sa disgrasya. All she wanted to have is some information about the Cartel, photos and videos, and of course to feature the members of the Cartel, especially their fearless Don– Deather a.k.a. Scarface. Besides, naniniwala siyang she can pull this through.