CHAPTER 29

1344 Words
Habang nagmamaneho si Watt Yabro gamit ang BMW ng kanyang masungit na boss Kyla, napansin niya ang tanawin sa paligid. Tumigil siya sa harap ng isang lumang gusali—isang gym na tila iniwan na ng panahon. Ang pintura sa pader ay naglulutong-lutong na, at ang mga letra ng pangalan ng gym ay kupas na, pero malinaw pa rin ang marka ng kasaysayan nito. Sa kabila ng itsurang tila kinain na ng panahon, ang lugar ay may kakaibang charm. Nostalgic ito, para bang may mga kwentong nakakubli sa bawat peklat ng pader. Pagkaparada ng sasakyan, bumaba si Watt at tumingin saglit sa paligid bago pumasok. Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang amoy ng lumang kahoy at pawis na tila baga sumipsip sa sahig ng gym sa napakatagal na panahon. Sinalubong siya ng isang matandang lalaki, nakatayo sa gilid ng pinto, naka-gray na t-shirt na may mantsa ng pintura, at shorts na mukhang sinamahan na ng matandang may-ari nito sa maraming laban. “Watt Yabro…” anang matanda, na may malaking ngiti sa labi. Bagama’t puti na ang buhok at kulubot na ang balat, taglay pa rin nito ang karismang dala ng karanasan. “It’s been a while… bakit ngayon ka lang bumalik rito?” Napangiti lang si Watt, tumango, at tinapik ang balikat ng matanda. “Mahabang kwento, Tata.” Nagkibit-balikat lang si Tata, pero may bakas ng lungkot at saya sa kanyang mga mata. “I heard about your story. Well, to be honest, I don’t wanna see you hiding away from La Sombra. But I don’t have any right to question you, too. I’m pretty sure you have your reasons.” Tumango ulit si Watt, nagpakawala ng tipid na ngiti, at naglakad papasok. Ang loob ng gym ay nagdala ng mas marami pang alaala. Nandoon pa rin ang mga lumang punching bag na halatang napagtripan ng napakaraming suntok. Ang mga gloves ay nakakalat sa mga sulok, at ang mga mat ay may mga marka ng sapatos na hindi na mabura. Ang bawat sulok ng gym ay parang album ng nakaraan, puno ng alaala ng bawat laban, pagkapanalo, at pagkatalo. Tumigil si Watt sa harap ng isang malaking salamin sa dulo ng gym. Pinagmasdan niya ang sarili, at parang nakita niya ang mas batang bersyon niya na nakatayo roon noon, puno ng ambisyon at galit. Pero ngayon, iba na. Mas kalmado ang ekspresyon niya, pero nasa mata pa rin niya ang kirot ng isang nakalipas na buhay. Ang buhay na hanggang ngayon ay pinipilit niyang takasan. “Where are they?” tanong niya nang walang preamble. Halatang may hinahanap siya. Tumikhim si Tata bago sumagot. “The group has been in chaos since you left, Watt. I’m now alone here, trying to sustain my remaining life.” Napabuntong-hininga si Watt. Hindi niya magawang sumagot. Sa loob-loob niya, alam niyang bahagi siya ng gulo kung bakit nagkawatak-watak ang dati niyang grupo. Sa halip na magsalita, sinapo niya ang likod ng leeg niya at huminga nang malalim. Guilt was starting to creep in, pero sinubukan niyang iwaksi iyon. Hindi na mababago ang nakaraan. Dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang pang-itaas, naiwan lang ang suot niyang shorts. Kitang-kita ang batak na katawan niya—mga abs na parang ukit ng eskultura, at mga braso niyang halatang kayang magpabagsak ng kung sino mang tatapat sa kanya. Ang bawat galaw niya ay nagpapakita ng disiplina at lakas, bunga ng mga taong ginugol niya sa gym na ito. “I guess I have now enough reason to blow some steam…” bulong niya sa sarili. Lumapit siya sa isang sulok kung saan nakasabit ang isang malaking punching bag. Bagamat luma na ito, matibay pa rin at tila nag-aanyaya ng suntok. Isinuot niya ang gloves na nasa tabi nito. Ang amoy ng leather ay bumalik sa kanyang alaala—mga araw na ginugol niya sa pagbagsak ng mga kalaban at sa pagpapabagsak sa kanyang sariling mga takot. Pagkatapos niyang itali nang maayos ang gloves, tumingin siya kay Tata. “Still standing strong, huh?” tanong niya, bahagyang tumutukoy sa punching bag. “Just like me,” sagot ni Tata, sabay bahagyang tawa. Pero sa likod ng kanyang ngiti, may lungkot na hindi maitatago. Habang sinisimulan ni Watt na suntukin ang punching bag, bawat hampas ay may kasamang bigat. Hindi lang ito pisikal na lakas; tila bawat suntok ay nagpapakawala ng mga emosyon na matagal niyang kinimkim. Ang tunog ng gloves na sumasapul sa punching bag ay pumuno sa tahimik na gym. Hindi niya mapigilang mag-flashback sa nakaraan—mga araw na tinutukan niya ang bawat suntok, bawat hakbang, upang makaligtas sa mundo ng mafia organization, isang sindikatong dati niyang kinabibilangan. Somehow, naalala niya ang sinabi sa kanyang ng kaibigang si Dicey. It's him who is now in charge of the La Sombra, since the Don has already been killed by the fearless traitor Don Deather. While Watt was blowing up some steam, dahan-dahan namang kumalakas ang grupo ng Scarface Cartel na noon ay tinawag itong La Sombra. He belongs to this group, but it has now been changed by Don Deather. However, the hearts of La Sombra still remain. Nakatingin lang si Tata sa kanya, nananahimik pero halatang nagmamasid. Alam niyang marami pa ring nakatagong kwento sa bawat galaw ni Watt, pero mas pinili niyang hayaan itong maglabas ng nararamdaman. Alam niya na minsan, mas maigi nang hindi magsalita. Pagkatapos ng ilang minuto, tumigil si Watt. Pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo gamit ang braso. Tumalikod siya at tumingin kay Tata. “Tata… do you think there’s a way to fix everything?” Napaisip si Tata sa tanong. Tumango siya nang marahan. “There’s always a way, Watt. Pero minsan, ang tanong hindi kung kaya mong ayusin, kundi kung kaya mong tanggapin ang hindi mo na kayang baguhin.” Umupo si Watt sa isang lumang bench sa gilid ng gym. Tinanggal niya ang gloves at pinagmasdan ang mga kamay niya. Matitigas ang mga kalyo nito, ebidensya ng mga taong ginugol niya sa paghampas sa punching bag at sa mga kumakalaban sa kanya. It was a clear blueprint of what kind of person he is. “I left because I wanted peace, Tata. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko pa rin ito mahanap. I always thought of protecting my loved ones because I know how dangerous the Scarface Cartel is… but it seems my past keeps haunting me, though. Tumabi si Tata sa kanya at tumingin sa malayo. “Peace isn’t something you find, Watt. It’s something you create. Hindi ito kusang darating sa’yo. At minsan, kailangan mong harapin ang mga anino ng nakaraan mo para makamtan mo ito. You cannot escape from your past Watt Yabro, and If you don't wanna face this now, it will surprise you. Sooner or later they will find you, and make you realize that it was a fool out of you to hide from them.” Tumango si Watt, tila pinoproseso ang sinabi ng matanda. Muling tumayo si Watt at hinubad ang isa pang gloves. Tumingin siya kay Tata, isang bagong determinasyon ang nakikita sa kanyang mukha. “I think I need to face them again,” sabi niya, na may bahagyang kaba sa boses. Nagtaas ng kilay si Tata. “The Scarface Cartel? Or La Sombra?” “Both.” Napangiti si Tata, pero may halong pag-aalala. “If that’s your choice, Watt, I won’t stop you. Pero tandaan mo, hindi lahat ng laban ay tungkol sa p*****n. Minsan, ang pinakamalaking kalaban mo ay ang sarili mo.” Tumango si Watt at kinuha ang kanyang mga gamit. Habang papalabas siya ng gym, huling tumingin siya sa paligid. Parang gusto niyang i-absorb ang lahat ng alaala na nandoon. Alam niyang ito ang lugar kung saan siya unang natutong lumaban—hindi lang laban sa mga kalaban, kundi laban sa buhay. Paglabas niya, sumakay siya muli sa kotse ni Kyla. Napatingin siya sa rearview mirror, at sa sariling repleksyon niya. Parang mas klaro na ang direksyon niya ngayon. “Time to face everything,” bulong niya sa sarili habang pinaandar ang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD