Tahimik ang atmosphere sa loob ng opisina ni Kyla Cassidy. Nakaupo siya sa likod ng kanyang sleek na desk, nakapokus sa laptop habang ang kanyang driver na si Watt Yabro, ay abala sa pagtitimpla ng kape sa gilid. Maayos at kalmado ang kilos ni Watt, halatang sinusubukan niyang mag-relax sa gitna ng tensyon sa opisina.
Biglang bumukas ang pinto nang walang paalam, at pumasok si Dark, isang lalaki na halatang puno ng kumpiyansa at may bahid ng pag-aangkin sa lugar. Ang tunog ng pagbukas ng pinto ay parang sumigaw sa katahimikan ng silid. Napatingin si Kyla, mabilis niyang sinara ang kanyang laptop at tumingin diretso kay Dark. Samantalang si Watt, patuloy lang sa ginagawa, hindi man lang nag-abalang bumaling sa bagong pasok.
“Oh, nandito pa pala ‘tong lalaking ‘to, Kyla? Sino ba yan?” ani Dark habang unti-unting lumapit kay Watt, ang kanyang boses ay puno ng pang-aasar at may halong panunuya.
“He's my new driver, Dark…” sagot ni Kyla, na tila may pagod na sa kanyang boses. Her tone was low and deliberate, parang sinasabing ‘huwag na nating gawing big deal ito.’
Sa gilid ng silid, si Watt ay dahan-dahang binubuhos ang mainit na tubig sa kanyang tasa ng kape. Tumingala siya ng bahagya para maamoy ang halimuyak ng kape, at sa isip niya ay naglaro ang isang tahimik na inis. “This man really knows no peace…”
“Driver mo?” Tanong ulit ni Dark habang ini-scan si Watt mula ulo hanggang paa, ang tingin niya ay may halong pagdududa at insulto. “Ibang-iba siya manamit ah…” dagdag pa niya.
Watt was dressed impeccably as usual—smart-casual attire na hindi mukhang pangkaraniwang driver. His clean, tailored shirt , a suit and a dark trousers gave him a professional aura that contrasted sharply with Dark’s cocky demeanor.
“Just let him, Dark. Wala namang ginagawang masama ‘yong tao eh,” sagot ni Kyla, halatang iniiwasan ang pag-init ng usapan. Pero habang sinasabi niya ito, naramdaman niya ang bigat ng sariling salita. “You’re right, Kyla. You should’ve forgotten what happened last time for the sake of your company,” sabi ng boses niya sa loob, na tila paulit-ulit siyang tinutuya.
Si Dark, sa kabila ng maimpluwensyang posisyon nito bilang business partner, ay matagal nang banta sa kanyang personal na buhay. Dati na siyang hinarass ng lalaking ito, pero wala siyang magawa dahil hawak nito ang malaking bahagi ng kanilang proyekto sa Cali family. Pilit niyang kinakain ang kanyang pride para lamang mapanatili ang kalagayan ng kanyang kompanya.
Sa isang banda, tahimik na hinihigop ni Watt ang kanyang kape at pumikit sandali para malasap ang mainit na inumin. Saglit niyang kinalma ang sarili, ang bawat higop ay parang pahinga sa ginugulo niyang araw. Pero bago pa niya maibaba ang tasa sa desk, biglang nilapit ni Dark ang kamay niya at inilubog ang hintuturo sa mainit na kape ni Watt.
“Oh, it tastes good. Magaling din pala sa pagtitimpla ng kape ‘tong driver mo, Kyla,” sabi ni Dark, ngumingiti habang pinupunasan ang daliri sa isang tissue. Halatang sinadya ang ginawa para bastusin si Watt.
Tumikhim si Watt, ngunit nanatili siyang kalmado. Alam niyang hindi sulit ang pag-aaksaya ng emosyon sa ganitong klase ng tao.
“Ipagtimpla mo nga ako, Mr. Driver!” utos ni Dark, sabay tapik sa balikat ni Watt. Lumapit pa siya nang kaunti, ang kanyang mga labi ay halos malapit sa tenga ni Watt, sabay bulong: “Driver ka lang pala… be careful dahil hindi mo ako kilala.”
Sa kabila ng matinding provocation, nanatili si Watt na composed. Inayos niya ang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa, tahimik niyang tinignan si Dark, walang emosyon sa kanyang mukha. Pero kung may makakakita sa kanyang mga mata, halatang may nagbabadyang bagyo sa ilalim ng mahinahon niyang postura.
“I'll take note of that,” sagot ni Watt, mahinahon pero puno ng double meaning. Tumalikod siya at nagsimulang magtimpla ng isa pang tasa ng kape—this time para kay Dark.
Si Kyla naman, na nanonood sa kanilang dalawa, ay ramdam ang tensyon sa ere. Gusto niyang sumingit, pigilan si Dark, pero alam niyang lalala lang ang sitwasyon kung makikialam siya.
“Dark, wag ka namang masyadong mapang-asar. Wala namang ginagawang masama si Watt sa'yo,” sabi ni Kyla, pilit binabalanse ang sitwasyon.
Tumawa si Dark nang mahina, parang hindi siya naapektuhan sa sinabi ni Kyla. “Relax, Kyla. I’m just messing with your boy here. Mukhang kaya naman niya.”
Habang nagtitimpla ng kape, si Watt ay nag-isip ng mabilis na paraan para makaganti nang hindi nagiging obvious. Kinuha niya ang isang teaspoon na sugar at tahimik na isinubsob ito sa tubig na sobrang lamig bago niya inihalo sa mainit na kape. Sa isip niya, “Enjoy your lukewarm coffee, mister big shot.”
Pagkatapos niyang gawin ang kape, maayos niyang inilagay ito sa harapan ni Dark. “Here’s your coffee, sir,” aniya, ang tono niya ay magalang, pero ang tingin niya ay may konting pangungutya.
Ininom ni Dark ang kape, ngunit agad siyang napakunot ng noo. “What the—bakit malamig? Nang-aasar kaba!?” reklamo niya.
“Pasensya na, sir,” ani Watt, pilit pinipigil ang ngiti. “Siguro po nagkamali ako sa tubig.”
“Sira ulo ka yata eh!” Sigaw ni Dark sabay tayo mula sa kinauupuan niya. Agad niyang inundayan ng suntok si Watt Yabro, pero mabilis itong naka-ilag. Walang kahirap-hirap na umiwas ang misteryosong driver, pero halatang hindi niya intensyon na gumanti. Sa kabila ng bilis at lakas ni Dark, si Watt ay parang hangin na hindi mahawakan.
“Tama na ‘yan, Dark! Ano ba!” Sigaw ni Kyla mula sa likod ng desk, halatang naiinis at nag-aalala sa nangyayari. Tumayo siya, pilit pinapaawat ang dalawa. “Watt! Dark! Stop it already!” Ngunit parang bingi si Dark.
Walang tigil siya sa pagsuntok, bawat galaw niya ay puno ng galit. “Ano, driver-boy? Ang lakas mo umiwas, ha? Subukan mo lumaban!” Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya mahuli si Watt—ni dulo ng damit nito ay hindi niya matamaan.
Si Watt, sa kabilang banda, ay nanatiling kalmado, halos parang nakikipaglaro lang. Hindi niya sinagot ang mga insulto ni Dark, hindi rin siya tumingin kay Kyla para humingi ng tulong.
“Stop it!” Sa wakas, nilakasan ni Kyla ang boses niya. Halos yumanig ang buong opisina sa lakas ng sigaw niya. Tumigil ang dalawa, pero hindi ang tensyon. Nagtitigan pa rin sina Watt at Dark, parang dalawang predator na nag-aabang ng tamang oras para umatake.
“Pasalamat ka,” sabi ni Dark habang nilalapit ang mukha niya kay Watt. “Pasalamat ka nandito tayo sa office ni Kyla. Kung hindi, baka pinulot ka na sa basurahan.” Ang boses niya ay puno ng pangungutya, pero halatang nabubwisit na rin siya dahil hindi niya matamaan si Watt kahit isang beses.
Hindi sumagot si Watt. Tumitig lang siya kay Dark, ang kanyang mga mata ay tila nagyeyelong dagat—kalma sa ibabaw pero puno ng lalim sa ilalim.
“I said stop it already, Dark!” Muling sigaw ni Kyla. Sa pagkakataong ito, halata na ang galit sa kanyang mukha. “Get out! Get out of my office… now!”
Hindi makapaniwala si Dark sa narinig niya. Napatingin siya kay Kyla, ang CEO ng kumpanyang pinuhunan niya. “I said get out!” ulit ni Kyla, mas malakas ang boses at mas matalim ang tono.
“Alright…” sagot ni Dark, halatang napilitan lang. Napailing siya, halatang inis, pero wala siyang magagawa. “Namuhunan rin ako rito, Kyla! I hope you won't forget that.” Dagdag niya bago siya tuluyang lumabas ng opisina, hinampas pa ang pinto sa inis.
Tahimik ang sumunod na ilang segundo. Inayos ang kwelyo ng kanyang shirt, at tumingin kay Kyla. “I'm sorry, Ma’am Kyla…”
“Isa ka pa!” singhal ni Kyla. “You get out!”
Sandaling napatigil si Watt, pero hindi siya nagtangka pang magpaliwanag. Tumango siya, bumaling, at dahan-dahang lumabas ng opisina, iniwan si Kyla na nag-iisa.
Pagkaalis ng dalawa, napaupo si Kyla sa kanyang swivel chair. Napahawak siya sa sentido, ramdam ang bigat ng sitwasyon. “Ano ba itong gulo na ito?” tanong niya sa sarili habang pinapanood ang tanawin ng lungsod mula sa bintana ng opisina.
Wala siyang panahon para sa drama, lalo na’t may mas malalaking problema siyang kailangang harapin. Ngunit kahit anong pilit niyang alisin sa isipan ang nangyari, hindi niya mapigilan ang pakiramdam na hindi pa tapos ang alitan sa pagitan nina Dark at ng kanyang bagong driver na si Watt. “Should I fire him?” Tanong ng isip niya at huminga ng malalim. “Maybe I should. Marami na syang nalalaman.”