Pagkalabas ni Watt mula sa opisina ni Kyla, dumeretso siya sa parking lot ng kompanya. Tahimik ang paligid; ang tunog lang ng kanyang sapatos laban sa sementadong sahig ang maririnig. Pagdating niya sa kanyang sasakyan, binuksan niya ang pinto, pumasok, at sumandal sa upuan. Napabuntong-hininga siya, tila ba pasan ang bigat ng mundo sa kanyang balikat.
“Ghad… I never thought it would be this hard to start a new life,” bulong niya sa sarili. Matagal niyang pinaghandaan ang pag-iwan sa kanyang magulong nakaraan. Ginawa niya ito para sa pamilya niya, para sa kinabukasan ng mga mahal niya sa buhay. Pero heto siya ngayon—sa harap ng bagong gulo, parang walang pinagkaiba ang mundong iniwan niya sa mundong ginagalawan niya ngayon.
Napaisip siya kay Dark Moreno, ang lalaking puno ng yabang at kabastusan. Kanina lang sa restaurant, nakita niya kung paano ito nambastos kay Kyla, ang kanyang boss. Ngunit ang mas kinagulat niya ay kung paano tila kinakain ni Kyla ang sariling pride para kay Dark. “What’s her deal with that man?” tanong niya sa sarili habang napapailing.
Napatingin siya sa rearview mirror ng sasakyan. Kita niya ang sarili niyang mga mata—pagod, puno ng alalahanin. “Ugh…” napabuntong-hininga siya ulit at umupo nang mas maayos. Kinuha niya mula sa kanyang bulsa ang isang kaha ng sigarilyo at nagsindi. Hinigop niya ang usok at dahan-dahang ibinuga, ramdam niya ang bahagyang ginhawang dulot nito.
“At this rate, walang duda na baka matanggal ako sa trabaho,” sabi niya habang pinapanood ang dahan-dahang pag-angat ng usok mula sa sigarilyo. “I need to do something.”
Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone mula sa bulsa at nagsimulang mag-dial ng numero. Isang pamilyar na boses ang sumagot sa kabilang linya.
“Wait… Watt!? I… I mean, Sha…”
“Stop,” Watt interrupted. Ang boses niya ay malamig ngunit kalmado, sapat para patahimikin ang kausap.
“Alright… Watt, how are you? Ba’t ka napatawag?” tanong ng babae mula sa kabilang linya, halatang puno ng respeto ang tono niya.
“I need your help, Dicey,” sabi ni Watt nang direkta. Walang paliguy-ligoy, straight to the point.
“My help? Sure. Anything, Watt Yabro,” sagot ni Dicey, puno ng kumpiyansa at paggalang.
“I need your time to work with me this time.”
“Of course. No problem, Watt Yabro. We’re still on your side. Just tell us what to do, and we’ll make it happen,” tugon ni Dicey, seryoso ngunit halata rin ang excitement sa boses niya.
Pagkatapos ng tawag, napapikit si Watt. Maraming alaala mula sa nakaraan ang sumiksik sa kanyang isipan. Si Dicey—dati niyang kasamahan, kasabwat sa mga delikadong misyon at labanan. Sa dami ng kanilang pinagdaanan, alam niyang maaasahan niya ito. Pero alam din niya na ang muling paglapit kay Dicey ay parang pagbukas ng pintuan pabalik sa madilim na mundo na pilit niyang tinatakasan.
Huminga siya nang malalim, hinigop ulit ang sigarilyo, at muling binuga ang usok. Sa isip niya, wala na siyang ibang option. “The Scarface Cartel is too dangerous for a woman like Kyla… Ghad, why am I doing this?”
Matapos ang ilang minutong katahimikan sa loob ng sasakyan, binuksan niya ang bintana at tinapon ang upos ng sigarilyo. “Alright… time to fix this mess.” Muli siyang huminga nang malalim, ipinikit ang kanyang mga mata saglit, at tinapik ang sarili na parang sinasabi niyang kaya mo ‘to. Nag-echo sa utak niya ang mga salitang binitiwan ni Dicey. “We’re still on your side.” It gave him a sense of reassurance, kahit papaano.
Habang nakasandal si Watt sa loob ng sasakyan, tahimik niyang hinihigop ang kanyang sigarilyo. He was deep in thought, trying to make sense of the chaos around him. Ngunit naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang mapansin niyang may papalapit na babae sa kanya.
“Hello, Mr. Hottie boy,” bati ni Katty, ang palaging maharot na secretary ng K Newspapers and Magazines Company.
Napalingon si Watt at bahagyang napangiti, kahit halata sa kanyang ekspresyon na tila naiilang siya sa atensyon at pagka super over-acting nitong babaeng ‘to.
“Oh… hi, Katty. Katty, right?” sagot niya, trying to keep it casual.
“Wow, ang sakit naman nyan, Watt,” kunwaring tampo ni Katty sabay patuloy na pagngiti. Sumandal siya sa bukas na bintana ng sasakyan, giving Watt her most flirtatious look. “Nakalimutan mo na agad ang pangalan ko?”
“Ahh… ehh…” Napakamot si Watt sa ulo, halatang hindi komportable sa sitwasyon.
Katty, on the other hand, seemed to enjoy teasing him. “No, it’s okay. Nandito lang ako para kumustahin ka. I saw you kanina na nagmamadaling lumabas sa office ni Ma’am Kyla. Kaya naisip ko baka may nangyaring hindi maganda.”
“I’m good, Katty. It’s just that… that man named Dark,” sagot ni Watt, trying to redirect the conversation.
“Hmm, he’s cocky as usual,” sabi ni Katty, rolling her eyes dramatically. “You know, Watt, that guy is such a pain sometimes.”
Napansin ni Watt ang pagiging madaldal ni Katty at naisip niyang baka magamit niya ito para makakuha ng impormasyon. Kaya kahit naiirita siya sa flirty na paraan ng babae, he decided to play along.
“Why is Ma’am Kyla keeping that man here?” tanong niya, sounding genuinely curious.
“Well,” nagsimula si Katty habang nilalaro ang kanyang buhok, “that man holds a major share of this company, Watt. To make it simple, he’s also my boss… and your boss.”
Tumango si Watt, pretending to absorb the information.
“Matagal na siyang nanliligaw kay Ma’am Kyla, pero lagi siyang nare-reject,” dagdag pa ni Katty, sabay tawa. “Puro business lang kasi ang iniisip ni Ma’am, eh. Kaya kung ako sa’yo, Watt Yabro, wag mo nang pangarapin pa si Ma’am Kyla. Ako na lang ang pangarapin mo.”
Halos mabilaukan si Watt sa sinabi ni Katty, pero nagawa pa rin niyang ngumiti kahit napapailing siya sa loob. “This woman… ” bulong niya sa sarili.
“Alam mo ba, Watt,” biglang sabi ni Katty, tila ba gustong ipakita na marami siyang alam. “Nasa States lahat ng pamilya ni Ma’am Kyla. Siya na lang ang nandito sa Pilipinas. Gusto niyang mag-focus sa career niya at maging isang international journalist. Ang goal niya? To cover the most dangerous stories para sumikat at tumaas ang sales ng company.”
“Dangerous stories, huh?” sagot ni Watt habang humihigop ulit ng sigarilyo.
“That’s why she’s trying to expose the Scarface Cartel?” tanong niya, this time with a more serious tone.
“Hmm, I’m not sure about that, Watt,” sagot ni Katty, bahagyang napaisip. “She never told me that. Pero based sa schedule niya, mukhang gusto niyang gumawa ng isang malaking coverage tungkol sa mafia. Besides, tinutulungan naman siya ni PltCol Hidalgo, so there’s nothing to worry about.”
“Right…” Tumango si Watt, pero halata sa mukha niya na hindi siya kampante. Napabuntong-hininga siya, at marahang nagbulong. “If only they knew how dangerous mafia organizations are…”
“Come again? What? Did you just say something?” tanong ni Katty, sabay ang bahagyang paglapit pa kay Watt.
“It’s nothing, Katty,” mabilis na sagot ni Watt, trying to change the subject. “I’m just worried about Ma’am Kyla… and you too.”
Biglang kumislap ang mga mata ni Katty, at tila ba naging hugis-puso ang mga ito. “Talaga ba, Watt? Ang sweet mo naman!” sabi niya, sabay tawa na parang isang schoolgirl na kinikilig.
“Yeah,” sagot ni Watt, pilit pinipigil ang sariling matawa sa sobrang landi ng babae.
Hindi pa rin tumigil si Katty. “Alam mo, Watt, hindi mo kailangang mag-alala sa akin. I can take care of myself. Pero ikaw, ikaw ang dapat mag-ingat. Napaka-misteryoso mo kasi. Ang cool mo kaya!”
“Cool, huh?” Napangiti si Watt nang bahagya, pero sa totoo lang, gusto na niyang tapusin ang usapan. Alam niyang masyado nang madaldal si Katty, pero he had to keep her engaged para makakuha pa ng impormasyon.
“Anyway, Katty, salamat sa concern mo,” sabi ni Watt habang tinatapik ang kaha ng sigarilyo. “Pero siguro dapat bumalik ka na sa trabaho mo. Baka maabutan ka ni Ma’am Kyla na wala sa desk mo.”
“Oh, wag kang mag-alala sa akin, Watt,” sagot ni Katty, sabay kindat. “Basta ikaw, Watt Yabro, kahit kailan mo ako tawagin, nandito lang ako, at your service!” Sabay salute at ngumiti na naman ng very very flirty.
“Noted,” sagot ni Watt, sabay napailing nang bahagya.
Habang papalayo si Katty, napailing si Watt at nag-isip. “This company is more chaotic than I thought. If Kyla really plans to expose the Scarface Cartel, she’s playing a dangerous game. She has to bet her life on it. That's the terms.”
Hinipan niya ang huling usok ng kanyang sigarilyo, tinapik ang sarili, at nagdesisyong manatili bilang driver ni Kyla at all costs upang masubaybayan ang kanyang very sungit na boss.