“Bakit hindi mo naman sinabi na totohanin mo, Watt Yabro… bali-bali tuloy ang mga buto namin” wika ng isang lalaki habang nakatayo sa tabi ng isang kalawangin at sirang kotse sa lumang pagawaan ng sasakyan. Ang paligid ay tahimik maliban sa tunog ng mga kuliglig at malayo-layong ugong ng mga sasakyan sa highway.
Si Watt Yabro, nakasandal sa isang lumang workbench, ay tahimik na nilalaro ang lighter sa kanyang kamay. Tumigil siya sandali at tumingin sa lalaking nagsalita, bahagyang ngumiti.
“Napasobra ka naman yata, Watt Yabro. Muntik mo nang mapatay itong mga tao natin oh,” sabi ni Dicey, kasamahan ni Watt mula sa kanyang masalinuot na nakaraan, habang hinihithit ang kanyang sigarilyo. Nakasuot ito ng lumang leather jacket at faded na jeans, mukhang galing pa rin sa isang aksyon na pelikula noong dekada ’90s.
Pasado ala-una na ng madaling araw, at ang pagawaan ng sasakyan na ito ang naging tahimik na tambayan ng dating miyembro ng La Sombra. Dito nagkita muli si Watt at si Dicey matapos ang ilang taong hindi pagkikita.
“Good! Magaling naman pala umarte ’tong mga tao mo, Dicey. Pwede nang maging kontrabida sa teleserye,” pabirong sagot ni Watt, pero may halong lamig ang boses. Sinindihan niya ang kanyang sigarilyo at tumingin sa paligid. Ang lugar na ito ay puno ng mga alaala—hindi lahat maganda; but enough to be remembered.
Tumawa si Dicey, pero hindi umabot ang ngiti sa kanyang mga mata. “By the way, Watt, ano ba talagang plano mo sa babaeng ’yon? Why did you go this far?”
Umiling si Watt at tumingin sa mga kalderong nakapatong sa lumang kalan habang nagbabaga pa rin ang uling upang pansamantalang mawala ang lamig. “I need to make sure na hindi niya ako tatanggalin sa trabaho. Gusto kong magkaroon siya ng utang na loob sa akin, so that I could see her through.”
“See her through for what?” tanong ng isa pang lalaki sa grupo, mukhang nagdududa.
“Mahabang kwento…” sagot ni Watt habang tumitig sa madilim na paligid. “But I know I am doing what I think is right.”
“Watt…” Biglang sumulpot si Esmeralda, isa pang dating miyembro ng La Sombra. Nakasuot siya ng simpleng itim na trench coat, ngunit ang kanyang presensya ay agad nagdala ng tensyon sa lugar. Ang kanyang mga mata’y tila alam ang lahat ng sikreto ni Watt, pero hindi ito nagsasalita ng diretso.
“It’s been a while, Watt. We’ve been waiting for you,” sabi niya, ang boses ay malamig na parang ang hangin ng madaling araw. “Everyone is waiting for you.”
Tumahimik ang lahat. Ang limang lalaking nasa paligid ay biglang naging alerto, pero halata ang respeto nila kay Watt.
Hinigop niya ang kanyang sigarilyo at bumuga ng usok kasabay ng malamig na hangin sa paligid. Tila bumabalik ang nakaraan habang iniisip niya ang dating buhay bilang miyembro ng La Sombra.
“Matagal nang tapos ang La Sombra,” mahinahong sagot ni Watt. “Wala na si Ace. The Don is no longer here.”
“But you are still here, Watt,” sabi ni Dicey, ngayon ay mas seryoso. “We’re here.”
“For what?” Tanong ni Watt, ang tono niya ay may bahid ng pagod. “Revenge? Masyadong maliit ang mundo para sa atin, Dicey.”
“So you’re going to hide? Until when?” Hinithit muli ni Dicey ang kanyang sigarilyo, tila iniintay ang sagot ni Watt.
Tumayo nang tuwid si Watt at tumingin sa kaibigan. “I’m not hiding. I’m just protecting someone I cared about—my family. My friends. You… everyone.”
Nilingon niya ang grupo. “I’m tired of cleaning my bloody hands, Dicey. And I know you do, too.”
Tahimik ang lahat. Tanging tunog ng sigarilyo at pagbuga ng usok ang naririnig. Tumayo si Esmeralda sa gilid habang hindi pa rin bumibitaw ang kanyang titig kay Watt.
“Watt,” sabi niya, “You can’t keep running from the shadows. They will catch up to you eventually. And when they do, ano na ang gagawin mo?”
“Then let them come,” sagot ni Watt, malamig pero determinadong tingin ang binigay niya kay Esmeralda. “But I won’t let them hurt the people I care about.”
Sumandal si Dicey sa pader, hawak ang sigarilyo, at nakatingin kay Watt na tahimik na nakatingin sa madilim na langit. Sa ibabaw ng mesa sa harap nila, may ilang bote ng alak at nakakalat na mga bala—mga alaala ng nakaraang pilit na bumabalik.
“The Scarface Cartel is too much to handle, Watt Yabro,” wika ni Dicey, mabagal at kalmado ang boses na tila sinusukat ang reaksyon ni Watt. Ang kanyang mga mata ay malamlam ngunit seryoso, nagpapahiwatig ng bigat ng sitwasyon. “Deather is fearless, at lumalago na ang kanilang organisasyon. If they come at you, hiding from the shadows won't be enough anymore, Yabro.”
Hinigpitan ang hawak sa sigarilyo. Humithit siya ng malalim, at bumuga ng usok na unti-unting nawala sa malamig na hangin. Hindi agad siya sumagot. Sa halip, nagpakawala siya ng mahinang buntong-hininga, tila nag-iisip kung paano haharapin ang tanong ni Dicey.
“Maybe he’s right,” bulong ni Watt sa kanyang sarili. Pero hindi niya kayang ipakita ang kahit katiting na takot. Kilala siya bilang matatag, hindi nagpapatalo sa kahit anong laban.
“If we let the Scarface maneuver, the La Sombra would be forgotten forever,” muling wika ni Dicey, “Our Don’s death would be worthless…”
“Hindi ko kayang pabayaan ang La Sombra,” sagot ni Watt at tumitig sa malayo, tila iniisip ang mga kasalanang pilit niyang nililimot.
“Pero sabihin mo sa akin, Dicey, ano ba ang kapalit ng paghabol natin kay Deather? Mas maraming dugo? Mas maraming alaala na ayokong dalhin?” Tumaas ang kanyang boses, pero may halong pagkadismaya at bigat.
“Hindi ka ba napapagod, Dicey? Hindi mo ba nararamdaman ang bigat ng bawat taong nawala dahil sa laban natin?”
Tahimik si Dicey, halatang tinamaan ng mga salita ni Watt. Pero hindi rin siya papayag na hindi sagutin ito.
“Napapagod din ako, Watt. Pero ano na lang ang silbi ng lahat kung hindi natin tatapusin ang Scarface? They’re growing stronger every day, and you know it. Kung magpapabaya tayo ngayon, lahat ng ginawa natin—lahat ng binuwis natin—would all be nothing”
Naging mainit ang usapan nila ng kanyang dating mga kasamahan. Even though Watt wanted to stay away from his past, he couldn't hide the fact that he still cares. Kahit anong pilit niyang pagtatago, his past keeps on hunting him. It becomes his shadows na kahit saan siya magpunta, nakadukit ito lagi sa kanya.
“It was a good recollection…” Mahinang ani ni Watt at humithit muli ng cigarettes, then he blew it off at kaagad naman itong naglaho sa hangin.
“I'll be up ahead… “ He added then he walked straight to the highway kung saan naka parada ang kanyang sasakyan.
“We're still here, Watt Yabro! We are just one call ahead!” Sigaw ni Dicey sa kanya bago siya naglaho sa dilim.
Pasado alas-dos na nang maghiwalay sila. Umuwi si Watt, dala-dala ang bigat ng nakaraan na tila gustong-gustong bumalik sa kanya. Habang nasa loob ng kotse, hinigpitan niya ang hawak sa manibela at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
“Not again,” bulong niya sa sarili. “Not this time.”