Habang binabaybay ni Watt Yabro ang tahimik na kalsada sa kalagitnaan ng gabi, ramdam niya ang lamig ng hangin na dumadampi sa bintana ng kotse. Gusto na lang niyang makarating sa inuupahang kwarto niya, magbihis, at mahiga. Kaso, parang hindi pa tapos ang gulo sa araw na ito.
Mula sa rearview mirror, napansin niya ang dalawang mamahaling kotse na mabilis na lumapit sa kanyang likuran. Nag-overtake ang mga ito at sabay na humarang sa kanyang daraanan. Napahinto si Watt at agad na naging alerto. Well, hindi rin naman niya gustong maibangga ang Mercedes Benz ng kanyang masungit na boss kasi baka kung ano pa ang gawin nito sa kanya.
“Ugh… ano na naman ‘to…” sambit niya, napapikit ng mariin at sinandal ang ulo sa manibela. Tiningnan niya ang mamahaling Mercedes Benz na minamaneho. “Huwag naman sanang magasgasan ‘to… lagot ako kay ma’am Kyla.”
Bumukas ang mga pinto ng dalawang itim na sasakyan, at bumaba ang isang grupo ng mga lalaking naka-itim na suit. Matipuno, seryoso ang mga mukha, at may hawak na baseball bats. Hindi sila mukhang nagbibiruan lang. They were so scary sa mata ng normal na tao, but for Watt Yabro? They just a bunch of thugs.
Lumapit sila nang dahan-dahan, tila nagtatangkang magpahayag ng presensya. Mula sa pangalawang kotse, isang lalaking mas maangas ang dating ang bumaba—si Dark. Nakangiti ito na parang villain sa isang action movie, halatang gustong takutin si Watt. Gusto niyang makaganti sa pambabastos ni Watt sa kanya, and maybe he wanted to teach him a lesson, too.
“Dark…?” usal ni Watt nang makita ang pamilyar na mukha. Napailing siya. “Ghad. This man do not know his lessons. Hindi na natuto.”
Bago pa man makalapit si Dark, bumaba na si Watt sa sasakyan. Ngunit bago pa niya isinara ang pinto, hinubad niya ang kanyang coat at iniwan ito sa upuan. Naiwan na lang ang kanyang simpleng black t-shirt na sobrang fit, na lalong nagpakita ng kanyang toned physique. Tila ba sinasabing, “Ready ako. Kayo, ready na ba kayo?”
“Mr. Driver!” sigaw ni Dark, may halong pang-aasar. “Didn’t I tell you na hindi pa tayo tapos?”
Tumawa si Dark, isang halakhak na halatang para lang sa palabas. Sa ilalim ng streetlight, ang mga anino ng sampung lalaking bitbit ang baseball bats ay nagmistulang mabibigat na multo.
Si Watt, kalmado pa rin, nag-inat ng balikat at braso. Tila nagwa-warm up para sa isang laban. Nakatayo siya at hindi alintana ang dami ng kalaban. Well, probably it will hurt a little bit dahil may dala itong mga baseball bats, but I doesn't matter for a man who knows no dear.
“Well,” sabi niya sa sarili, halos pabulong, “Kung gusto mo ng sakit sa katawan, I'll give it to you– and it’s all for free.”
Umusad ang unang lalaki, hawak ang bat na parang handang ipalo. Pero bago pa niya maibaba ito, mabilis na kumilos si Watt. Inikutan niya ang lalaki, hinablot ang bat mula sa kamay nito, at isang mabilis na suntok ang tumama sa tagiliran. Napaluhod ang lalaki, hinahabol ang hininga.
“Really, Dark? Baseball bats?” ani Watt habang tinatapon ang bat sa gilid. “Aren’t we past this already?”
Sumugod ang dalawa pang lalaki mula sa magkabilang panig. Ngunit parang rehearsal lang ang galaw ni Watt. Isang hook sa kanan, isang elbow sa kaliwa, at sabay silang bumagsak sa semento.
Nakangiti si Dark sa malayo, tila nag-eenjoy sa pinapanood niya. Pero halata rin ang iritasyon sa kanyang mga mata.
“Hindi ko alam kung magaling ka talaga o masyado lang bobo ang mga tao ko,” sigaw niya.
Sumugod ang natitirang pito, sabay-sabay, ang iba’y nagkakandaiwas sa paghawak ng mga baseball bats nila. Pero si Watt? Kalma lang.
Isang mabilis na kick ang tumama sa isang lalaki sa harap, at gamit ang momentum, iniwasan niya ang palo ng isa pa. Kumapit siya sa braso ng lalaki, pinaikot ito, at isang malutong na suntok ang tumapos sa laban.
Sa loob ng ilang minuto, lahat ng tao ni Dark ay nakalatag na sa kalsada—puro ungol at hapdi nalang ang naririnig mula sa kanila. Si Watt naman, nakatayo pa rin, bahagyang hinihingal, pero halatang kaya pa niyang makipaglaban kung kinakailangan.
Nakatayo pa rin si Watt Yabro sa gitna ng kalsada, ang hangin ay malamig, at tahimik na ang paligid maliban sa mga ungol ng mga bugbog na tauhan ni Dark na nakahandusay sa kalsada. Ang ilaw ng streetlamp ay nagbibigay ng anino sa kanyang matikas na postura, ngunit sa kabila nito, ang pagod sa kanyang mukha ay kitang-kita.
“Dark,” tawag niya sa lalaki, na halatang nawawala na ang angas sa mukha. Tumigil si Dark sa paglalakad at bahagyang lumingon, pero hindi nagsalita.
“Do you really want to do this yourself?” tanong ni Watt, kalmado ang boses ngunit ramdam ang bigat ng babala.
Tumawa lang si Dark, pero halatang pinipilit na lakasan ang loob. “You win tonight, Watt. But remember, hindi pa rin tayo tapos,” sagot nito, sabay talikod at bumalik sa kanyang kotse.
Isang huling tingin ang ibinigay ni Dark bago sumakay, at saka tuluyang umalis, iniwan ang kanyang mga tauhan na parang basurang nagkalat sa lansangan.
Huminga nang malalim si Watt, sinulyapan ang mga kalaban na nakalatag sa paligid, at saka naglakad pabalik sa Mercedes Benz. Pag-upo niya, sandali siyang tumingin sa rearview mirror. Ang nakikita niya ay hindi lang ang gasgas sa mukha niya kundi ang mga tanong na hindi niya matakasan.
“Dark really needs a new hobby,” ani Watt, sabay napailing.
Pinaandar niya ang sasakyan, at muling binaybay ang madilim na kalsada. Ang malamig na hangin na pumapasok sa bintana ay bahagyang nagpapagaan ng bigat sa kanyang dibdib, ngunit hindi maitatanggi ni Watt na ang katahimikang iyon ay panandalian lamang.
“What a drag…” bulong niya habang iniiling ang ulo. “I just hope ma’am Kyla doesn’t notice the scratch on her car.”
Pagkarating sa kanyang inuupahang kwarto, agad niyang isinara ang pinto at siniguradong naka-lock ito. Ang maliit na silid ay puno ng mga simpleng gamit—isang lamesa, lumang aparador, at ang kanyang kama. Tumungo siya sa aparador, kinuha ang isang lumang sando at shorts, saka nagpalit ng damit.
Pag-upo niya sa gilid ng kama, hinanap niya ang kanyang sigarilyo sa bulsa. Nang makita ito, mabilis niya itong sinindihan, at humithit ng usok. Sa bawat buga, tila sinusubukan niyang ilabas ang lahat ng stress at kaba na nararamdaman niya.
“Wala na ba talagang katahimikan 'tong buhay ko?” tanong niya sa sarili, tumingala at nakatitig sa kisame.
Bumagsak ang kanyang katawan sa kama. Idinikit niya ang isang kamay sa noo at ipinikit ang kanyang mga mata. Pero kahit anong gawin niya, ang mga alaala ng kanyang tinatakasang nakaraan ay patuloy na bumabalik. It seems like it keeps on hunting him wherever he goes.
Habang nakahiga, naririnig niya ang mahinang tunog ng orasan sa dingding. Tila binibilang nito ang bawat segundo ng kanyang gising na oras. “Sana naman matapos na ang lahat ng gulong ito,” bulong niya, tila umaasang may milagrong mangyayari sa buhay niya. Well, al he wanted is to have a peaceful life. Iyong hindi nadudumihan ang kanyang kamay sa dugo ng tao.
Ang usok ng sigarilyo ay unti-unting pumuno sa silid, kasabay ng malamig na hangin na pumapasok sa siwang ng bintana. Sa kabila ng lahat ng gulo at hirap, si Watt ay nananatili pa ring kalmado at composed. He knew that someday magiging okay rin ang lahat.
Sa wakas, sinubukan niyang pilitin ang sariling matulog, ngunit ang aninong humahabol sa kanya ay tila hindi niya kayang takasan, not even in his dream.