CHAPTER 23

1500 Words
Kinabukasan, maaga ring dumating si Watt sa bahay ni Kyla para kunin ang kanyang wallet. Fresh ang itsura niya kahit halatang puyat—parang may secret routine para magmukhang laging maayos. Suot niya ang paboritong navy blue na suit, na saktong sakto sa fit ng kanyang katawan. Ang leather shoes niya? Makintab na parang bagong bili. At ang bango niya? Amoy mamahalin pero hindi overpowering. Kumatok siya sa pinto, at ilang sandali lang ay sumilip si Manang Karen. “Good morning, Karen,” bati ni Watt na may tipid na ngiti habang tumayo nang maayos. “I came for my wallet.” Tumikhim si Manang Karen at bahagyang tumagilid ang ulo, halatang may iniisip na kalokohan. Well, she’s doing it again—ang kanyang signature flirty moves kapag kaharap si Watt. “Aba, ang aga mo naman,” bungad ni Karen, pilit na pinipigil ang ngiti pero halata sa kislap ng kanyang mga mata. “Mukhang excited kang makita ako, right?” Natigilan si Watt, pero pinilit niyang ngumiti. “Ahh… ehh… I came here for my wallet, Karen.” Kinamot niya ang batok, halatang di komportable. “Wallet? Yeah, I remember it. Wait, kukunin ko lang, Mr. Hottie Boy…” sabay kindat ni Karen na parang artista sa teleserye. Pumunta ito sa lamesa, kinuha ang wallet ni Watt, at iniabot sa kanya. “Here. Intact naman lahat, huwag kang mag-alala,” sabi niya habang nakatitig sa mukha ni Watt na parang may hinahanap na reaksyon. “Salamat, Karen,” sagot ni Watt na pilit nagtatago ng ngiti. Binuksan niya ang wallet at mabilis na sinuri kung kumpleto ang laman. Habang tinitingnan ito, sumagi sa isip niya, “I hope hindi niya pinakialaman ang wallet ko…” Napansin niyang hindi pa rin nawawala ang flirty look ni Karen. Para bang nag-eenjoy itong makita siyang medyo kinakabahan. “Come, you need some coffee. Coffee date muna tayo sa loob, total wala pa naman si Ma’am Kyla,” biglang sabi ni Karen habang hinawakan ang braso ni Watt. “Ah, eh—” Hindi na natapos ni Watt ang sasabihin dahil mabilis siyang hinila ni Karen papunta sa sala. Eleganteng sala ito na puno ng mga modernong muwebles at mahal na dekorasyon. Parang hindi bagay na magka-coffee date dito, pero sino ba ang makakapigil kay Karen? “Sana ‘wag nang dumating si Ma’am Kyla para masulo ko si Mr. Hottie Boy,” bulong ni Karen sa sarili habang tumutungo sa kusina. Si Watt naman ay awkward na naupo sa sofa, tahimik na iniisip kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon. Sinipat niya ang paligid. Malinis at maayos ang sala, pero napansin niyang medyo masyadong maraming scented candles sa isang sulok. “Ano’ng meron? Date setup ba ‘to?” Maya-maya, bumalik si Karen na may dalang tray ng dalawang tasa ng kape. “Here you go,” sabi niya habang inilalapag ang tray sa mesa. “Freshly brewed, just for you.” “Ah, salamat,” sagot ni Watt, pilit na ngumiti habang tinanggap ang tasa. Habang umiinom ng kape si Watt, umupo si Karen sa tabi niya. Medyo masyadong malapit, pero hindi ito alintana ni Karen. Nakapamewang siya at nagtititigan sa kanya. “So, Watt…” panimula ni Karen, kaswal ang tono pero halata ang intensyon. “Galing mo ah. Laging disente ang dating mo. Hindi ba mahirap magpaka-pogi araw-araw?” Napangiti si Watt. “Okay, casual lang. Chill ka lang, Watt,” sabi niya sa sarili. “No, not really. Normal na siguro sa akin. Saka trabaho ko rin to look presentable, lalo na kay Ma’am Kyla.” Nagtaas ng kilay si Karen. “Talaga ba? So lahat ng effort mo ay para kay Ma’am Kyla lang?” May bahagya siyang inis sa tono, pero tinapalan niya ito ng ngiti. “No, I mean para na rin sa sarili ko at sa trabaho ko bilang driver.” sagot ni Watt, pilit na binabalanse ang usapan. Karen leaned closer, kunwari’y sinusuri ang suit ni Watt. “Ang mahal siguro ng suit mo, ano? Gusto mo ba labahan ko ‘yan? Alam mo, expert ako sa pagtanggal ng mantsa…” sabay kindat niya uli. Halos mabulunan si Watt sa iniinom niyang kape. “Ah, hindi na. Kaya ko naman pong maglaba ng sarili kong damit.” “Aba, marunong maglaba ang Mr. Hottie Boy?” sabi ni Karen, tumatawa habang hinihigop ang kape niya. “Alam mo, bihira na ‘yan sa mga kalalakihan ngayon. Mukhang full package ka talaga, Watt.” “Full package?” ulit ni Watt, parang hindi sigurado kung dapat bang magpasalamat o hindi. “Oo naman. Astig, guwapo, mabango, at mukhang matalino. Tapos marunong pa maglaba. Ano pa bang kulang?” May pasimpleng ngiti si Karen, pero halata ang totoong mensahe sa likod ng biro niya. Napakamot si Watt sa batok at umiwas ng tingin. “Ghad… paano ba ako makakatakas sa ganitong sitwasyon? Sandali, is this an interview?” Biglang tumunog ang pintuan—isang malakas na katok. Napatigil si Karen at napatingin sa direksyon ng pinto. Si Watt naman ay nagpasalamat sa kung sino man ang nasa labas. Tumayo si Karen at tinungo ang pinto. Pagbukas niya, andoon si Kyla, mukhang bagong gising pa. Nakasuot ito ng oversized na hoodie at pajama, hawak ang cellphone at mukhang nagtataka. “Karen, bakit may amoy kape dito?” tanong ni Kyla habang sinisipat ang paligid. Napansin niya agad si Watt na nakaupo sa sofa. “Watt? Anong ginagawa mo dito?” “Ah, kinuha ko lang po ang wallet ko, Ma’am Kyla. Tapos niyaya ako ni Karen ng kape,” sagot ni Watt, mukhang relieved na dumating na si Kyla. Napatingin si Kyla kay Karen na parang nagbabasa ng intensyon nito. “Karen, hindi mo ba naisip na hindi mo dapat nilalansi ang driver ko?” “Ha? Ako? Nilalansi?” kunwari’y inosente si Karen habang nakangiti. “Nagpakape lang naman ako, Ma’am Kyla. Saka mukhang enjoy naman si Watt, ‘di ba?” Hindi sumagot si Kyla. Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng tubig. Habang umiinom, sumulyap siya kay Watt na tila nahihiya. Napabuntong-hininga siya. “This day is going to be long,” sabi niya sa sarili. “Tigilan mo na ’yang driver ko, ha, Karen!” malakas na sabi ni Kyla habang nakatayo sa gitna ng sala, nakapamewang at nakakunot ang noo. Si Manang Karen naman ay hindi niya maitago ang inis. “Che! Super villain ka talaga sa love life ko, Ma’am Kyla!” sagot nito nang padabog. Tumalikod siya at dumeretso sa kusina, naglalakad na parang bida-kontrabida sa teleserye. Samantalang si Kyla, nakatitig lang sa kanya, ang mga mata’y handang kumain ng tao anumang oras. Pinipigilan niya ang sarili, pero halata sa kanyang mukha na ayaw na niyang palakihin pa ang eksena. “Oh, Watt. Did you get your wallet already?” Bumaling ang atensyon ni Kyla kay Watt na kasalukuyang nakaupo sa sofa at umiinom ng kape. Tumango si Watt at bahagyang ngumiti. “Yeah… binigay na sa akin ni Karen.” “Did you check it already?” tanong ni Kyla, tinutukso siya ng sariling konsensiya sa likod ng mapanuri niyang tingin. “Yes, I did, Ma’am Kyla. Intact naman lahat. You know, my license and IDs…” sagot ni Watt habang iniwas ang tingin, halatang gusto nang matapos ang usapan. Napailing si Kyla. “Okay…” Tumalikod siya, naglakad papuntang hagdan, pero sa likod ng kanyang isip ay iba ang tumatakbo. Alam niyang pinakialaman niya ang wallet ni Watt kagabi, kaya siguradong hindi ID o lisensya ang laman nito. “License mo mukha mo…” bulong niya sa sarili while walking upstairs. Nang nasa kalagitnaan na siya ng hagdan, bigla niyang itinawag si Watt. “By the way, Watt, prepare the car—‘yong BMW sana kasi hindi na ’yon nagagamit. Gusto ko rin namang nagagamit ang mga kotse ko.” Narinig niya ang mabilis na “Yes, Ma’am Kyla!” ni Watt mula sa ibaba. Sa kabilang banda, si Watt naman ay tahimik na napakamot sa ulo habang nililigpit ang tasa ng kape. “Ano bang nangyayari dito? Bakit parang lahat ng tao sa bahay na ’to ay masyadong intense?” Pumunta siya sa garahe, ini-inspect ang BMW na sinabi ni Kyla. Habang pinapainit ang makina, nag-iisip siya tungkol sa mga kakaibang nangyari sa bahay na ’yon mula nang magsimula siyang magtrabaho bilang driver. Si Karen na laging flirty, si Kyla na unpredictable—at ngayon, parang mas maraming tanong sa paligid kaysa sagot. Sa taas ng bahay, nakaupo si Kyla sa harap ng kanyang laptop, pero hindi siya makapag-concentrate. Naiisip pa rin niya ang larawan at calling card na nakita niya sa wallet ni Watt. “Sino ba talaga ang taong ito? Bakit siya may ganitong klaseng pagkatao?” tanong niya sa sarili. Nagtatalo ang curiosity at guilt sa loob niya. Alam niyang hindi tama ang ginawa niyang pagsilip sa wallet, but she couldn't resists her curiosity towards her mysterious driver– Watt Yabro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD