Pagkabukas na pagkabukas ni Thea ng dambuhalang pinto ng gym, sinalubong agad siya ng amoy ng floor wax, liniment, at ang umaalingawngaw na tunog ng mga sapatos na nag-iiyakan sa sementadong court. Kasalukuyang nasa gitna ng isang matinding 5-on-5 scrimmage ang koponan ng Engineering. Hindi nahirapan si Thea na hanapin ang binata. Sa dulo ng court, kitang-kita si Liam na mabilis na dinala ang bola pababa, mabilis na nag-crossover na nagpa-gewang sa kanyang defender, bago swabeng tumalon para sa isang umaatikabong jump shot. Swish.Pasok ang bola. "Nice shot, Malvar! Sige, huling dalawang minuto!" sigaw ng coach nila mula sa gilid. Napatingin si Liam sa direksyon ng pinto habang tumatakbo pabalik sa defense, at agad na sumilip ang isang malawak na ngiti sa kanyang pawisang mukha nang mak

