Ang sikat ng araw ng Linggo ay dahan-dahang sumisilip sa mga kurtina ng mansyon ng mga Malvar. Dahil sa pagod mula sa matagumpay na gig kagabi, tanghali na nang magising ang magkapatid. Sa hapag-kainan, nadatnan nila ang kanilang Tita, ang strikta ngunit mapagmahal na School Director ng unibersidad. Tahimik na nagmamasid ang kanilang Tita habang humihigop ng kape. Napansin niya ang isang bagay na bihirang mangyari: ang magkapatid na Lucas at Liam ay mahinahong nag-uusap at paminsan-minsan pang nagbibiruan. Noon, ang tanging maririnig sa pagitan ng dalawa ay ang malamig na katahimikan o kaya naman ay maanghang na sagutan. "Liam," basag ni Lucas sa katahimikan habang binababa ang kanyang tasa. "Diba magaling kang mag-basketball? May tryouts sa Lunes. Ako na ang bahalang magpalista

