"Siyempre," wika ni Thea na may kasamang malambing na ngiti, sabay sarado nang tuluyan sa hawak niyang libro at ipinatong ito sa tabi ng kaniyang kama. "Para hindi mo ako masyadong mamiss... at para na rin mabantayan kita kung talagang nag-aaral ka o natutulog lang." Napa-aktong hawak sa kaniyang dibdib si Liam, kunyaring natamaan sa puso sa sobrang kilig. "Grabe, ang swerte ko talaga. Sobrang caring ng bodyguard ko." "Bolero!" natatawang sagot ni Thea. "O siya, dahil gising ka na at nakapag-power nap ka na ng dalawang oras, bawal na ang dahilan ah? Balik na sa pag-review, Mister Captain. Gusto kong makita na nagsusulat ka na ulit ng mga computations mo riyan." "Opo, boss. Gaganahan na ako mag-solve nito kasi may beautiful view na ulit ako," sagot ni Liam habang inaayos ang kaniyang sal

