"Hindi ah," mabilis na depensa ni Liam na may kasamang pa-pout pa sa screen. "Palagi kaya kitang namimiss. Walang pinipiling oras 'yun, kahit nga habang nagso-solve ako ng Calculus, mukha mo pa rin ang nakikita ko sa mga equation." Natawa nang malambing si Thea, bagamat ramdam niya ang kilig sa sinabi ng kasintahan. Inilapag niya muna ang kaniyang ballpen at sumandal sa kaniyang upuan para harapin nang husto si Liam sa video call. "Ako rin naman, Liam," wika ni Thea, habang malambing na nakatitig sa screen. "Kaso busy tayo pareho ngayon dahil finals week. Kapag nandito ka, baka hindi na tayo makapag-review. Mawawala lang ang focus natin." Ngumiti si Thea nang may panunukso. "Kilala kita, Mister Captain. Imbes na libro ang harapin mo, baka kung ano-anong kuwento at lambing lang ang gawin

