Nang dahan-dahan silang maghiwalay, hindi pa rin inilalayo ni Liam ang kaniyang mukha. Idinikit niya ang kaniyang noo sa noo ni Thea habang pareho silang humahabol ng hininga. May mga ngiti sa kanilang mga labi. "I love you, Thea… mahal na mahal kita," bulong ni Liam, puno ng katapatan at emosyon ang boses, habang hinahaplos ng kaniyang mga thumb ang pisngi ng dalaga. "I love you too, Liam," malambing na sagot ni Thea, habang dahan-dahang iminumulat ang kaniyang mga mata upang salubungin ang nag-uumapaw na pagmamahal sa tingin ng kaniyang kasintahan. Nanatili silang ganoon nang ilang sandali, ninanamnam ang katahimikan at ang init ng isa't isa, bago tuluyang nagpaalam para sa gabi nang may mga pusong labis na masaya at kontento. Hindi pa rin matiis ni Liam na pakawalan ang dalaga. Muli

