Chapter19

1302 Words

Pagdating ni Liam sa garahe, bumungad sa kaniya ang matinding katahimikan na tanging tunog lang ng kuliglig ang naririnig. Nakaupo si Lucas sa isang mababang silya, nakapatong ang mga siko sa tuhod, at may dalawang baso ng alak sa harap ng isang maliit na mesa. "Akala ko hindi ka darating," bungad ni Lucas, hindi tumitingin sa kapatid. "Sinabi ko namang darating ako," sagot ni Liam habang itinataas ang kaniyang jacket at naupo sa tapat ng kaniyang kuya. "Pero 'wag kang mag-expect na magiging emosyonal ako, Kuya. Alam mo namang 'shot' lang ang pinunta ko rito." Sinalinan ni Lucas ang baso ni Liam. "Sabi ni Thea... marami daw akong hindi alam. Na ghost producer ka raw, Tumutugtog ka daw ng palihim. Na sinasadya mong magmukhang basagulero para hindi ka maging kompetisyon sa akin."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD