Habang nasa kalagitnaan ng break ang mga players, biglang bumasag sa ingay ng gym ang isang anunsyo. "Pep Squad sa gitna na... double time!" Sa isang iglap, tila may sariling buhay ang bawat miyembro ng squad. Wala pang ilang minuto ay nasa kanya-kanya na silang pwesto. Kasabay nito ang pagdagundong ng mga drums na tila yumanig sa pundasyon ng gymnasium. Kung kanina ay sa gilid lang sila, ngayon ay binigyan sila ng malawak na espasyo sa mismong center court. Sa bleachers, abala sa pagpupunas ng pawis ang mga players, pero si Liam ay parang estatwa na nakapako ang tingin sa iisang tao lang—kay Thea. Dahil nasa tapat lang nila ang pwesto ng squad, mas malinaw na ngayon sa paningin ni Liam ang bawat detalye ng mukha at galaw ng dalaga. Ang performance nila ngayon ay malayo sa ipinaki

