Nanatiling nakatayo si Thea sa Bleacher, hindi pa rin maibaba ang kaniyang mga kamay mula sa pagkaka-palakpak. Bawat puntos na ginagawa ng magkapatid na Malvar ay sinasabayan niya ng malakas na hiyaw at palakpak, tila siya ang kanilang nag-iisang cheerleader sa gitna ng siksikang gym. Sa loob ng court, kitang-kita ang pagod sa mukha ni Liam. Pawis na pawis na ang kaniyang jersey, pero ang apoy sa kaniyang mga mata ay hindi pa rin namamatay. Sa bawat hawak niya ng bola, agad niyang hinahanap si Lucas—ang kanilang ugnayan ay tila isang maayos na makina, swabeng-swabe ang pagpasa ni Liam at walang mintis ang mga tira ni Lucas. Dahil sa tangkad ni Liam, tila walang nagagawa ang mga kalaban sa tuwing ibinibigay sa kaniya ang bola; mabilis siyang kumilos at tila laro-laro lang ang lahat

