"Tara na," aya ni Lucas habang isinusukbit ang bag. "Nagugutom na rin ako. At Thea... salamat sa panonood. Malaking bagay 'yun." Sa paglalakad nila palabas ng gym, nasa gitna si Thea nina Lucas at Liam. Alam ni Thea na ang pagkapanalong ito sa court ay simula pa lamang ng mas malaking laro sa labas ng basketball—isang laro kung saan hindi lang puntos ang nakataya, kundi ang kaniyang nararamdaman. Habang papalabas ng gym, huminto sila sa parking lot kung saan nakaparada ang itim na sportbike ni Liam at ang mas pormal na kotse ni Lucas. Kinuha ni Liam ang kaniyang gym bag at agad itong inabot sa kaniyang kuya. "Kuya, palagay muna ng gamit ko sa kotse mo. Hindi makakaupo nang maayos ang Prinsesa ko eh," banat ni Liam sabay kindat kay Thea. Napa-iling na lang si Lucas, bagaman may bah

