Matapos ang masarap na hapunan, lumabas ang tatlo para magpahangin muna sa tapat ng kainan. Tahimik ang gabi, tanging ang huni ng mga kuliglig at ang layo ng mga sasakyan ang naririnig. Nakaupo sila sa isang bench, kung saan nasa gitna si Liam nina Thea at Lucas. "Grabe, kakapagod," buntong-hininga ni Liam habang iniuunat ang kaniyang mga braso. Tumingin sa kaniya si Lucas, may bahid ng pagmamalaki sa mga mata pero nananatiling seryoso. "Masanay ka na, Liam. Mas nakakapagod pa sa mga susunod na araw ." wika ni Lucas habang tumatayo at kinukuha ang susi ng kaniyang kotse. "O, paano? Una na ako sa inyo. Liam, huwag kang magpagabi masyado, maaga pa pasok mo bukas," paalala ng kuya. Lumingon siya kay Thea, pilit na itinatago ang kurot sa kaniyang puso nang makitang magkatabi ang dalawa

