"Grabe, kaka-excite ang first day!" wika ni Liam habang malawak ang ngiti, iginagala ang tingin sa paligid ng campus na buhay na buhay na naman dahil sa pagbabalik ng mga estudyante. Kulang na lang ay mag-skipping rope siya sa daan sa sobrang hyper. "Excite ka diyan," natatawang sagot ni Thea, habang sumasabay sa mga hakbang ng kasintahan. "Baka kapag binabaan na tayo ng sandamakmak na plates sa Plant Design at nagsimula na ang puyatan sa Thesis, bawiin mo 'yang sinabi mo, ah?" "Sus, maliit na bagay!" pagyayabang ni Liam, sabay akbay nang mas mahigpit kay Thea. "Basta ba ikaw ang co-author ko sa thesis at taga-timpla ko ng kape sa madaling araw, kahit abutin pa tayo ng internal review hanggang gabi, kayang-kaya natin 'yan." Napatigil sandali si Thea sa paglalakad nang marating nila ang

