Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan… Bago pa man nila namalayan, ang dating berde at preskong dahon sa tapat ng Engineering Building ay nagsimula nang matuyo at mapalitan ng bagong simoy ng hangin. Ang mga notebook nilang malilinis at bago noong unang araw ng klase ay puno na ngayon ng mga computation, bura ng lapis, at mga sketch ng kani-kanilang Plant Design. Naging mabilis ang takbo ng oras dahil sa sobrang subsob nina Liam at Thea sa pag-aaral. Ang dating simpleng kulitan ay madalas nang idinadaos sa loob ng library, magkatabi, habang parehong may hawak na highlighter at nakaharap sa kani-kanilang laptop para sa kanilang thesis. Isang gabi, bandang alas-otso na ng gabi, sila na lang ang natitirang estudyante sa paborito nilang tambayan sa ilalim ng puno ng narra. Nakalatag sa b

