Chapter 5

1006 Words
Pagkatapos ng concert... Isang malakas na palakpakan ang umalingawngaw. Pagbaba ni Lucas sa stage, agad siyang dumeretso sa kinaroroonan nina Thea at Liam. "I'm glad you both made it," sabi ni Lucas, pawisan pero may malaking ngiti. "Liam, salamat at pumunta ka." "Geh lang, Kuya. Okay naman, hindi ako nakatulog," biro ni Liam, pero tinapik niya ang balikat ni Lucas—isang senyales ng kaniyang pagbati. Tumingin si Lucas kay Thea. "So, Thea? Did you enjoy the performance?" Bago pa makasagot si Thea, biglang sumingit si Liam. "Enjoy na enjoy siya, Kuya. Halos hindi nga niya maalis 'yung tingin niya sa katabi niya buong gabi." "Liam!" saway ni Thea, namumula ang pisngi. Pagkatapos ng matagumpay na concert, ramdam na ang pagod sa paligid habang unti-unti nang nagliligpit ang mga tao. "Oh, paano? Uwi na tayo?" aya ni Liam habang maluwag na niluluwagan ang kanyang kurbata, tila hindi na makapaghintay na makahinga mula sa pormal na suot. "Kunin ko lang ang gamit ko sa backstage," wika ni Lucas. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa dalawa bago tumalikod para balikan ang kanyang violin at iba pang kagamitan. "Hatid ka na namin," kaswal na dugtong ni Liam habang nakapamulsa, ang tingin ay diretso kay Thea. Bahagyang nag-alinlangan si Thea. Kahit gusto niyang makasama si Lucas nang mas matagal, ayaw naman niyang makaabala lalo na’t alam niyang pagod ang huli mula sa pag-perform. "Hindi na... mag-Gra-Grab na lang ako," tanggi niya. "Hindi na. Ihahatid na kita," hirit ni Liam. Humakbang siya palapit, sapat para maamoy ni Thea ang bango nito na mas lalong tumapang sa gitna ng malamig na aircon ng hall. "Para masulit mo 'yung pagtingin mo sa akin. Bukas, hindi na ganito ang itsura ko," wika ni Liam sabay tawa nang mahina, ang kanyang signature na mapang-asar na tingin ay muling bumalik. "Ewan ko sa'yo! Ang kapal din talaga ng mukha mo, ’no?" pabalang na sagot ni Thea, pero hindi niya maitago ang bahagyang pag-init ng kanyang mga pisngi. Maya-maya pa ay dumating na si Lucas bitbit ang kaniyang mga gamit. Agad siyang nilapitan ni Liam at kinuha ang ilang dala-dalahan nito—isang bihirang pagkakataon na makitang nagkukusa ang bunso para sa kuya nito. Kitang-kita ang pagiging maasikaso ni Liam sa kabila ng kaniyang pagiging pasaway. "Tara na, Thea," wika ni Liam. Bago pa man makahakbang si Thea, naramdaman niya ang mainit at malaking palad ni Liam na humawak sa kanyang kamay. Hindi ito mahigpit, pero sapat para gabayan siya at alalayan palabas ng hall. Nabigla si Thea sa simpleng galaw na iyon. Ang tapang at yabang ni Liam sa salita ay biglang napalitan ng isang pag-aalaga na hindi niya inaasahan. Naglakad silang tatlo patungo sa parking lot. Sa isang tabi, naroon ang pormal at tahimik na si Lucas, at sa kabilang tabi naman ay ang pasaway pero protective na si Liam na hanggang ngayon ay hindi pa rin binibitawan ang kamay niya. Habang naglalakad sa ilalim ng liwanag ng buwan, napaisip si Thea: Ang gabing ito na inakala niyang tungkol lamang sa kanyang paghanga kay Lucas, ay tila unti-unti nang nagiging kwento ng isang lalaking pilit humahawak sa kamay niya para hindi siya makatingin sa iba. Sa loob ng sasakyan, nababalot ng malamig na aircon at mahinang instrumental music ang buong biyahe. Nakaupo si Thea sa backseat habang ang magkapatid naman ay nasa unahan. Hindi mapigilan ni Thea na muling balikan sa isip ang emosyong naramdaman niya kanina. "Ang galing mo, Lucas, kanina. Sobra," wika ni Thea, ang kaniyang boses ay punong-puno ng paghanga. "Parang bawat nota ng violin mo, may kinukwentong damdamin. I’m really proud of you." Mula sa rear-view mirror, nakita ni Thea ang bahagyang pagngiti ni Lucas. "Salamat, Thea. Malaking bagay sa akin na nagustuhan mo. Nakaka-relax din na marinig 'yan pagkatapos ng kaba ko kanina." "Oo na, Thea. Ulit-ulit naman," biglang singit ni Liam habang nakahawak sa manibela. Bakas sa boses nito ang iritasyon, bagaman pilit niyang itinuon ang atensyon sa kalsada. "Narinig na natin 'yan sa hall, sa parking, pati ba naman dito sa loob ng sasakyan? Baka lumaki na ang ulo ni Kuya niyan." "Liam..." saway ni Lucas sa kaniyang kapatid, ang boses ay kalmado pero may halong babala. "Hayaan mo siya. She’s just being appreciative." "Appreciative o obsessed?" bulong ni Liam, pero sapat na para marinig ni Thea. Napairap na lang si Thea sa inis. "Epal ka talaga, Liam, eh. Ganyan ka ba talaga kapag hindi ikaw ang bida?" Natawa nang mapait si Liam. Humigpit ang kapit niya sa manibela bago siya sumagot nang hindi tumitingin sa likod. "Hindi sa ganoon. Ayoko lang na parang wala na kaming ibang kasama rito kundi ang multo ng performance ni Kuya. Nandito rin naman ako, ah. Nag-tuxedo pa nga ako para sa 'yo." Natahimik ang lahat pagkatapos sabihin 'yun ni Liam. Maging si Lucas ay napatingin sa kaniyang bunsong kapatid, tila nabigla sa pag-amin nito. "Para sa akin?" mahinang tanong ni Thea, ang puso niya ay biglang bumilis ang t***k. "Ay, hindi! Para kay Kuya! Para mapansin ako ni Kuya!" naiinis na bawi ni Liam, halatang napahiya dahil sa dulas ng kaniyang dila. Mabilis niyang ibinaling ang tingin sa kalsada para itago ang pamumula ng kaniyang mukha. "Liam, tama na 'yan," natatawang saway ni Lucas. Lumingon ito kay Thea at ngumiti. "Thea, pasensya ka na kay Liam. Alam mo namang 'mabait' talaga ang batang ito, eh," biro ni Lucas sabay biglang pisil nang madiin sa pisngi ni Liam. "Aray! Ano ba, Kuya! Bakit nananakit?!" reklamo ni Liam habang pilit na iniiwas ang mukha, pero hindi niya mabitawan ang manibela. "Kulit mo din kasi," wika ni Lucas habang natatawa pa rin. Napangiti na lang si Thea habang pinapanood ang dalawa. Sa likod ng maingay na rock music at asaran, nakikita niya ang malalim na samahan ng magkapatid. Pero habang nakatingin siya sa likod ng ulo ni Liam, hindi niya maalis sa isip ang sinabi nito: Nag-tuxedo ako para sa 'yo. Alam ni Thea na ang mga salitang iyon ni Liam ang siyang pinakamalakas na tumutunog sa kaniyang pandinig ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD