Nang magsimula ang pormal na rampa, doon na napatunayan ng lahat na ang kaba ni Thea kanina ay isang simpleng pasada lang. Dahil sanay siya sa pagiging flexible at bawat galaw ng kanyang katawan ay may disiplina bilang dating miyembro ng cheering squad, ang paglakad sa harap ng libo-libong tao ay hindi na bago sa kanya. Ang gymnasium floor ay instant na naging sarili niyang runway. "From the 2nd Year Mechanical Engineering Department... Ms. Althea Beatrice Aquino!" Sa pagkabanggit ng kanyang pangalan, lumabas si Thea na suot ang jersey ng Sophomore Titans. Fit na fit ito sa kanyang hubog-katawan, ipinares sa white pleated skirt na sumasabay sa bawat indayog ng kanyang balakang. Hindi man niya kasing-tangkad ang ibang mga muse na nagmistulang mga higante kanina, pagdating sa audience impa

