Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang dating tahimik na mga hallway ng Engineering building na puno lang ng mga seryosong mukhang nagre-review ay napalitan ng umaapaw na enerhiya. Ngayong araw ay Lunes—ang opisyal na simula ng pinakahihintay na Engineering Week. Para sa Day 1 ng Grand Opening, isang pormal na pagbubukas ng basketball league ang gaganapin sa unibersidad gym, na susundan agad ng matinding bakbakan sa court. Ngunit bago mag-umpisa ang talbog ng bola, ang unang highlight ng umaga ay ang grandiyosong Muse Competition, kung saan ang bawat basketball team mula sa iba't ibang antas at kurso ay may kani-kanilang naggagandahan at nagtataasang kinatawan. Sa loob ng dambuhalang gymnasium, dinig na dinig ang walang katapusang hiyawan ng mga estudyante. May mga hawak na banners, may mg

