Kinaumagahan, tila naging isang malaking countdown ang bawat minutong lumilipas sa loob ng silid-aralan. Ramdam ang mabigat na tensyon sa hangin habang maririnig ang kaluskos ng mga ballpen at ang marahang pagpunit ng intermediate paper. Sa unahan, nakatayo si Mrs. Aquino—ang seryoso at walang-kurap na "Mommy-Prof" ng buong departamento—habang pinapanood ang bawat galaw ng mga estudyante. "Ten minutes left," malamig na anunsyo ni Mrs. Aquino, na nagpadagdag sa kaba ng lahat. Napasapo sa kanyang noo si Liam habang nakatitig sa huling numero ng Calculus quiz. Ang kanyang utak, na kagabi lang ay umaapaw sa mga bagsakan ng dambuhalang rock riff, ay pilit na nagsasagwan ngayon sa gitna ng mga integrals at derivatives. Prenteng-prente siyang nakaupo, pero ang totoo, parang sasabog na ang kanya

