Chapter8

1129 Words
Nang huminto ang kotse sa tapat ng kanilang gate, agad na bumaba si Liam para kunin ang bag ni Thea sa backseat. Sakto namang bumukas ang maliit na pinto ng kanilang mansyon at lumabas ang kaniyang Mommy—isang eleganteng babae na kilala bilang respetadong guro sa unibersidad. "Thea? Kararating mo lang pala," bati ng kaniyang ina. Agad na napadako ang tingin nito sa katabi ng anak. "Oh, and who is this handsome young man? Siya ba 'yung tutee mo na palagi mong naikukwento?" Nataranta si Thea. "M-mommy! Opo, si Liam po. Kapatid siya ni Lucas, 'yung head ng organization namin." Agad na nag-iba ang aura ni Liam. Nawala ang pagiging maangas at biglang naging napaka-disente. Lumapit siya at bahagyang yumukod bilang paggalang. "Good evening po, Ma'am. Liam Anthony Malvar po. Pasensya na po at medyo ginabi ang anak niyo, tinapos lang po namin ang ilang mahihirap na equations sa library." Napataas ang kilay ni Thea sa galing ni Liam mag-adjust ng personalidad. Equations? Ang pagkakaalam ko, drowing ng asong galit ang ginagawa mo sa notebook ko kanina! "So, ikaw pala ang dahilan kung bakit mukhang laging pagod ang anak ko pag-uwi," biro ng Mommy ni Thea habang sinusuri si Liam mula ulo hanggang paa. "Pero mukhang mabait ka naman. Bakit hindi ka muna pumasok sa loob para mag-meryenda? Katatapos lang magluto ng daddy mo." "Mommy, kailangan na po niyang umuwi, hiniram lang niya 'yung kotse ng kuya niya," mabilis na singit ni Thea, dahil natatakot siya na baka kung ano pang "mabulgar" na kwento si Liam kapag nagtagal ito sa loob. Ngumiti nang matamis si Liam kay Mommy Aquino. "Gusto ko sana, Ma'am, pero tama po si Thea. Baka hanapin na po ako ni Tita—yung School Director po nina Thea. Pero sa susunod po, asahan niyo ang pagbisita ko." "Director Malvar is your aunt? I see. No wonder you carry yourself so well," nakangiting sagot ng kaniyang ina. "Sige, mag-iingat ka sa pagmamaneho, Liam. Thea, pumasok ka na sa loob." Nang makapasok ang kaniyang Mommy, hinarap ni Thea si Liam. "Equations, ha? Napaka-plastic mo talaga!" Tumawa si Liam at isinabit ang bag ni Thea sa kaniyang balikat bago ito ibigay. "Ganun talaga, Teach. Kailangan nating makuha ang loob ng mga 'boss' sa buhay mo. Isipin mo na lang, investment 'yun para sa susunod na hihiram ako ng kotse para ihatid ka." Bago sumakay sa kotse, kumindat si Liam. "See you tomorrow, Teach. Panaginipan mo 'yung equations natin." Habang pinapanood ni Thea ang papalayong kotse ni Lucas na minamaneho ni Liam, hindi niya mapigilang mapaisip. Liam was dangerous—hindi dahil sa masama siyang tao, kundi dahil sa abilidad niyang pasukin ang buhay ni Thea nang hindi nito namamalayan. Kinabukasan, hindi na motor ang gamit ni Liam. Gamit ang kaniyang sariling sasakyan, maaga siyang pumarada sa tapat ng Engineering building. Malinaw ang kaniyang plano: gagawin na niyang routine ang paghatid at pagsundo kay Thea. Ngunit pagbaba niya ng kotse, agad na nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Naroon na naman si Marco, nakasandal sa pader at halatang may hinihintay. Sakto namang natanaw ni Liam si Thea na naglalakad papalapit. Bago pa man makalapit si Marco kay Thea, mabilis na humarang si Liam sa gitna nila. "Wala ka bang sariling building, Architect? O sadyang mahina lang ang direksyon mo?" maangas na bungad ni Liam. Sa pagkakataong ito, hindi na nagpaumanhin si Marco. Nainis na ito sa inasta ni Liam noong nakaraang araw. "Alam mo, Liam, masyado kang epal. Hindi ka naman boyfriend ni Thea, tutor ka lang niya. O baka naman ginagamit mo lang ang pangalan ng kuya mo para maghari-hari rito?" "Anong sabi mo?" Isang mabilis na hakbang ang ginawa ni Liam at kwinelyuhan si Marco. "Ulitin mo nga?" "Liam, tama na!" sigaw ni Thea, pilit na pumapagitna, pero huli na. Sinuntok ni Marco si Liam sa panga dahil sa pagkwelyo nito, at agad namang gumanti si Liam ng isang matinding kanan. Nagkagulo ang mga estudyante sa hallway. "Anong nangyayari rito?!" Isang mariing boses ang pumutol sa kaguluhan. Dumating si Lucas, kasama ang ilang student leaders. Bakas ang labis na pagkadismaya at galit sa mukha ng "Golden Boy" habang nakatingin sa kapatid na may pumutok na labi. Sa Guidance Office Matapos ang insidente, parehong dinala sina Liam at Marco sa Guidance Office. Labis ang paghingi ng paumanhin ni Lucas sa Director dahil sa inasal ng kaniyang kapatid. "This is unacceptable, Liam. Alam mong bawal ang physical violence sa campus," pagalit na sabi ni Lucas paglabas nila ng opisina. "Marco, pasensya ka na. I'll make sure this won't happen again." Nang lumabas na sila, nakita nila si Thea na naghihintay sa labas. Agad na lumapit si Lucas sa kaniya. " Thea, sorry sa gulo na ginawa ni Liam. Tara, ihahatid na kita sa klase mo. Hayaan mo na muna ang pasaway na 'to." Tumingin si Thea kay Lucas, pagkatapos ay kay Liam na nakasandal sa pader, may pasa sa mukha, at masama ang tingin sa sahig. Naalala ni Thea ang kasunduan nila—ang kailangang maging "sweet" at maasikaso sa binata kapalit ng pananahimik nito tungkol sa kaniyang lihim na pagtingin kay Lucas. Higit pa roon, nakita ni Thea na kahit maangas si Liam, nasasaktan din ito sa mga sermon ng kuya niya. "Lucas... sige na, mauna ka na," mahinang sabi ni Thea. "Ako na ang bahala rito kay Liam. Tutal, ako naman ang tutor niya. Responsibilidad ko siya." Gulat na napatingin si Lucas kay Thea. "Pero Thea, baka bastusin ka lang niyan—" "Hindi po, Lucas. Ayos lang. Mag-uusap lang kami," paninigurado ni Thea. Napilitang umalis si Lucas na may halong pagtataka. Nang silang dalawa na lang ang naiwan, dahan-dahang lumapit si Thea kay Liam. Naglabas siya ng tissue at alcohol mula sa bag niya. "Ang kulit mo kasi," mahinhin na sabi ni Thea habang dahan-dahang idinidikit ang tissue sa pumutok na labi ni Liam. Napatitig si Liam kay Thea. Nawala ang kaniyang galit at napalitan ng pagkagulat. "Bakit hindi ka sumama kay Kuya? 'Yun naman ang gusto mo, 'di ba? Ang makasama ang 'perfect' na si Lucas?" "Dahil may deal tayo, 'di ba?" sagot ni Thea, pilit na hindi tumitingin sa mga mata ni Liam. "Sabi mo dapat sweet ako sa'yo. At saka... hindi naman kita pwedeng iwan dito na ganito ang itsura. Baka sabihin ng Mommy ko, pinabayaan ko 'yung tutee ko." Ngumisi nang bahagya si Liam kahit masakit ang kaniyang labi. "So, pinili mo ako kaysa sa kanya?" "Huwag kang assuming. Ginagawa ko lang ang part ko sa deal natin," bawi ni Thea, pero ang kaniyang pag-aalaga ay hindi na matatawag na "obligasyon" lang. Hinawakan ni Liam ang kamay ni Thea na nag-aayos ng kaniyang sugat. "Kahit anong dahilan pa 'yan, Thea... salamat. Mas masarap pala itong sugat na 'to dahil ikaw ang nanggagamot."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD