Lumipas pa ang mga buwan at unti-unting gumaan ang pakiramdam ni Thea. Hindi man mabilis ang paghilom, kapansin-pansin na ang pagbabago sa kaniyang araw-araw na buhay—nakakalabas na siya ng bahay, nakakakain nang maayos, at dahan-dahang nagkakaroon muli ng kulay ang kaniyang mundo. Siyempre, may mga pagkakataon pa rin na bigla na lang siyang natutulala at naiiyak tuwing matinding namimiss niya si Liam. Kapag nakakakita siya ng mga bagay na paalala ng nakaraan o kapag sumasagi sa isip niya ang masasayang alaala nilang dalawa, hindi pa rin maiwasang pumatak ng kaniyang mga luha. Ngunit sa mga sandaling iyon, hindi na siya nag-iisang nagtatago sa sulok ng kaniyang kwarto. Nandoon na palagi si Lucas. Kapag nakikita nitong nanginginig ang mga labi ni Thea o nakatitig ito sa malayo, tahimik l

