Madaling araw pa lang ay abala na ang buong bahay sa probinsya. Nasa veranda sina Isobel at Leandro habang nakaupo, may hawak na tasa ng kape. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga ibon at hampas ng hangin ang naririnig. Mamayang tanghali, babalik na sila sa Maynila. “Are you ready?” tanong ni Leandro, nakatingin sa kanya habang unti-unting sinisimsim ang kape. “Hmm, not really,” sagot ni Isobel sabay buntong-hininga. “Ang sarap kasi ng hangin dito. Parang ayaw ko pa bumalik.” Ngumiti si Leandro at hinaplos ang buhok niya. “Don’t worry, babalik din tayo dito. But for now, kailangan ko na rin ayusin ang ilang bagay sa university.” Napatango na lang si Isobel. Kahit paano, na-miss na rin niya ang Maynila, lalo na ang pagiging estudyante. Pero may halong kaba rin sa dibdib niya. Kung t

