Mainit pero preskong simoy ng hangin ang bumungad kay Isobel nang sumapit sila sa rancho kinaumagahan. Maaga pa pero ramdam na agad ang amoy ng damo at huni ng mga ibon. Nakasuot siya ng simpleng white shirt, maong pants, at sneakers—handang-handa, o at least iyon ang akala niya. Pagbaba niya ng sasakyan, napatingin siya agad sa malawak na espasyo. Sa gitna ng pastulan ay nakikita niya ang ilang kabayo na naglilibot, ang ilan ay sinasakyan na ng mga tao. At siyempre, hindi niya pinalampas ang isang partikular na eksena—si Mika, naka-fitted riding pants at sleeveless top, parang lumabas lang mula sa isang equestrian magazine cover. Confident itong nakasakay sa itim na kabayo, hawak ang renda na parang second skin sa kanya. Nakasimangot na sinamaan niya ng tingin si Leandro bago binalik a

