Sa halip na dumiretso sa faculty office pagkatapos ng klase, gaya ng sinabi ni Leandro, naglakad si Isobel palabas ng university grounds. Hindi siya nagpaalam. Hindi siya lumingon. Hindi siya naghintay.
Pag-uwi niya sa condo, hindi siya dumiretso sa kama. Umupo siya sa dining chair, tinitigan ang cellphone sa mesa. Doon niya binuo ang text na ilang beses na niyang binura at binuo ulit.
“Sorry, Sir. Hindi ako makakapunta sa office. Masakit ulo ko. Uuwi na lang ako. Bukas na lang siguro. Take care.”
Wala nang kasunod.
Wala siyang inaasahang reply, at wala rin siyang lakas ng loob para sagutin kung sakaling mag-reply ito. Sa totoo lang, hindi naman talaga masakit ang ulo niya. Pero masakit ang dibdib. Mas mahirap gamutin 'yon.
Humiga siya sa sofa, hinubad ang heels, at pinikit ang mga mata. Hanggang sa unti-unting humupa ang init ng hapon. Hanggang sa dumilim ang langit. Hanggang sa unti-unting pinaniniwala niya ang sarili na tama lang ang ginawa niya.
Walang label, walang commitment. Wala siyang dapat asahan. At kung hindi siya pupunta sa opisina nito ngayong gabi, baka 'yon na ang hudyat para tuluyan na ring matapos.
Maybe that’s for the best.
Tumunog ang doorbell.
Napatingin siya sa wall clock. Past 9:00 PM.
Napatayo siya, nag-aalangan.
Wala siyang inaasahang bisita. Wala ring delivery. Hindi siya nag-order. May konting kaba sa dibdib habang palapit siya sa pinto. Tinapik niya ang peephole, at sa pagtingin—
“Putang—” napabulong siya sa gulat. “Si Leandro?”
Nakatayo ito sa labas, suot pa rin ang itim na polo nito, bahagyang nakabukas ang dalawang butones. Disheveled ang buhok. Nakataas ang isang kilay, at may hawak na brown paper bag.
Agad siyang binuksan ang pinto—hindi para papasukin, kundi para pigilan.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya, kunot ang noo.
“May sakit ka raw, sabi ng text mo.” Tumikhim ito, tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Pero mukhang okay ka naman.”
“Bakit ka pa umakyat? Hindi ko naman sinabi na pumunta ka.”
“Exactly,” sagot ni Leandro. “Hindi mo sinabi, pero hindi ka rin nagsinungaling. Alam kong umiiwas ka.”
“Hindi ako umiiwas,” sabay sabing sinubukang isara ang pinto.
Pero mabilis na naipit iyon sa kamay ni Leandro.
“Wag mo akong paalisin, Isobel.”
“Leandro—seriously. Hindi ito magandang timing.”
“Walang magandang timing sa ganitong klase ng usapan,” sagot niya, ngayon ay lumalapit na at nakatitig sa kanya. “Ayaw mong pumunta sa office ko kasi natatakot kang baka matapos kung anuman ‘to.”
Napakurap si Isobel. Walang naisagot.
“Guess what?” tuloy ni Leandro. “I feel the same way. Hindi ko rin alam kung anong meron tayo. Pero hindi kita hahayaang tapusin 'to sa isang text lang.”
“Bakit ba ang kulit mo?” mariin niyang sambit. “Wala nga tayong label, tapos ngayon, bigla kang mag-a-act na parang—”
“Na parang may karapatan ako?” putol ni Leandro. “Gano’n ba dapat ang tingin mo sa’kin? Gano’n ba talaga kababaw ‘to para sa’yo?”
“Hindi ko alam,” halos pabulong niyang sagot. “Kasi minsan, parang totoo. Pero pag may kasama kang iba, pakiramdam ko, wala akong karapatan.”
“Then sabihin mo sa’kin ngayon,” seryosong sambit ni Leandro, “Kung wala ka talagang nararamdaman, aalis ako. Hinding-hindi na kita guguluhin.”
Tinitigan siya ni Isobel. Humigpit ang hawak niya sa doorknob. Gusto niyang sabihin na wala. Gusto niyang itaboy ito para matapos na. Pero hindi niya magawa. Hindi niya kayang magsinungaling.
“Tangina mo,” sabi niya, sabay iwas ng tingin. “Bakit ngayon mo lang ako hinabol?”
“Because ngayon lang ako natakot na mawala ka.”
Napapikit siya, pinigilan ang pagpatak ng luha. Nakakainis. Kung kailan siya nagpakatatag. Kung kailan handa na siyang putulin ito. Bigla namang nagparamdam ang lalaking dapat noon pa naglinaw.
Hindi siya gumalaw. Pero hindi rin umalis si Leandro.
“Kainin mo ‘to,” biglang abot nito ng paper bag. “May lugaw d’yan. Para sa sakit ng ulo mo.”
Napatawa siya kahit pilit. “Ang corny mo, Sir.”
“Tawagin mo akong corny, pero hindi ako aalis hangga’t hindi mo ako pinapapasok.”
Napailing siya. Tumagilid. Tiningnan siya nang ilang segundo. Sa wakas, umalis siya sa harap ng pinto, sabay sabing, “Pasok ka na.”
Pumasok si Leandro, marahan. Ibinaba ang bag sa mesa. Tiningnan ang paligid. Malinis, simple, pero may traces ng kanya—mga libro sa mesa, scented candles, isang framed quote sa shelf.
“Akala ko hindi mo ako papapasukin,” aniya.
“Ni hindi ko nga alam kung dapat ba talaga,” sagot ni Isobel habang naglalakad papunta sa kusina.
“Isang tanong,” humarap si Leandro, nakatayo pa rin sa sala. “May nararamdaman ka ba para sa’kin?”
Hindi agad sumagot si Isobel. Tahimik siyang nagbukas ng rep, kumuha ng tubig, uminom. Pagkatapos ay bumalik sa sala. Tumingin sa kanya.
“Leandro…”
“Sabihin mo. Wala tayong label, oo. Pero tao tayo. May nararamdaman. At kung pareho tayong takot, paano tayo uusad?”
Muling natahimik si Isobel. Pero ngayon, iba na ang katahimikan. Hindi ito takot. Hindi na ito pagtatanggi.
“Meron,” mahinang sagot niya. “May nararamdaman ako. At ‘yon ang problema.”
Lumapit si Leandro, dahan-dahan, parang natatakot na baka umatras siya. “Then let’s stop pretending.”
Hindi siya gumalaw. Hinayaan niyang lapitan siya. Hinayaan niyang damhin muli ang presensya nito. Nang tuluyan na silang magkalapit, walang salita—hinalikan siya ni Leandro.
Malambing.
Walang pagmamadali.
Hindi halik ng pagkauhaw. Hindi halik ng pagnanasa lang.
Ito ay halik ng taong may pinanghahawakan.
At sa gabing iyon, sa gitna ng katahimikan ng condo unit, sa pagitan ng malamig na dingding at mainit na hininga nila, natutunan ni Isobel ang isang bagay—
Hindi kailangang may label agad para malaman mong totoo na ito.
⚠️ Warning: This chapter contains mature and explicit content. For readers 18+ only.
Ang gabi ay tila huminto sa paligid ni Isobel habang nakatayo siya sa sala, kaharap si Leandro, ang lalaking ilang beses na niyang sinubukang itaboy pero paulit-ulit ding bumabalik.
Mula sa mahinang halik, naging mabigat ang hininga nilang dalawa. Magkalapit ang kanilang mga katawan, magkahalo ang init at kaba, at sa loob ng condo na iyon, walang natirang dahilan para magpigil pa.
Hinila siya ni Leandro palapit. Buong katawan ni Isobel ay parang naalarma, hindi sa takot kundi sa anticipation. Dumikit ang dibdib niya sa dibdib nito, at ramdam niya ang t***k ng puso ng lalaki—mabilis, kasing bilis ng kaniya.
“Tell me to stop,” bulong ni Leandro habang nakasubsob ang labi sa tainga niya.
Pero imbes na tumanggi, hinawakan ni Isobel ang batok niya at siniil ito ng halik. Malalim. Masidhi. Mapusok.
Tumugon si Leandro, at walang pag-aalinlangan ay binuhat siya nito—isang mabilis at matatag na kilos. Napa-angkla siya sa katawan ng lalaki, ang mga hita niya ay nakapulupot sa baywang nito habang ang mga labi nila ay hindi bumibitaw sa isa’t isa.
Dinala siya nito sa loob ng kwarto, at pagkalapag sa kama, hindi na kailangan pa ng salita. Ang buong katawan nila ay nag-uusap sa pamamagitan ng haplos, halik, at paghinga.
Tinanggal ni Leandro ang suot niyang blouse. Isa-isa, mabagal, sinisiguradong nararamdaman ni Isobel ang bawat pindot ng butones na inaalis. Hanggang sa ma-expose ang lace bra niyang kulay dark maroon.