CHAPTER 7
"Okay, that's enough. Reese, dead."
Nasa training room kami at kasalukuyan akong nakakubabaw kay Reese. Pasalamat siya inawat kami ni kuya Warren. Tumayo na ako at inirapan si Reese na nakahiga. Sumisigaw pa ng r**e kanina.
"Manyak." tudyo niya.
"Hindi ako ng nang mamanyak ng bato, excuse me."
"Hurricane."
"Ano?!"
"Ang childish mo talaga. Immature. Isip bata."
"Aba! Gusto mo ng sapak?" sabihin ba naman akong childish?
"Ang childish mo talaga. Gusto mo, gawin kitang baby ko?"
Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Mukhang alam ko na kung kanino na naman yan galing. "REESE DEAN REYNOLDS!"
"Kay Wynter galing yan."
"Wala kang originality!"
"Hmm. Hurricane."
"O?"
"Wifi ka ba?"
"Sapak? Ang kulit mo!" Wala na lang ginawa kundi asarin ako. Masisisi niyo ba ako kung bakit hindi ko magawang matuwa sa taong bato na ito?
"Hindi galing kay wynter to." sabi niya.
"Whatever."
"Wifi ka ba?"
Bumuntong-hininga ako. "Bakit?"
"Kasi...hindi ako makalayo sayo."
Napuno ng tuksuhan ang paligid. May mga humihiyaw pa sa likod na animo nanonood lang sila ng sine. Sumimangot ako.
"Reese."
"O?"
"Mahilig ka ba sa pula?"
"Bakit?"
"Ako kasi hate ko ang pula. Gusto mo...suwagin kita?"
Binigyan ko ng matalim na tingin si Wynter na nakaupo sa sahig at tawa ng atawa- May hawak siyang video camera at ganoon din si Autumn na nag mo-money sign na naman ang mga mata.
Iniwan ko na lang sila at pumunta ako sa locker room. Baka lalo akong mabaliw sa kanila. Inborn na nga ang pagiging baliw ko, dadagdagan pa nila.
Nang matapos akong mag shower at magpalit ng damit ay kumuha ako ng popscicle sa refrigerator at umupo ako sa isang tabi. Enjoy na enjoy sa kinakain ko ng may asungot na tumabi sakin. "
"Hoy."
"Hoy ka rin." sagot ko.
Ngumiti lang siya. Problema ng taong bato na to? Kanina pa ngiti ng ngiti.
Mamaya niyan ma inlove lahat sa kaniya ang babae dito. Care mo naman kung ma inlove sa kaniya lahat? Selos ka? "OF COURSE NOOOOOOT! HINDI AKO NAGSESELOS!" napatigil ako. Tapos nahihiyang tumungo ako.
Na sigaw ko na naman yung iniisip ko. Ang engot mo talaga Hurricane. Palihim na tinignan ko si Reese pero tahimik lang siya na kumakain din ng popsicle.
"Na wala ka na naman sa sarili mo dyan."
Inirapan ko siya. "Pakielam mo naman.
"Lahat ng tao dapat makialam sa mga environmental hazard na katulad mo."
"Ako dapat ang magsabi niyan! Isa kang malaking bara sa daanan ko!"
"Amasona."
"Taong bato."
"I'm not a rock."
Pagak na tumawa ako. "Yes you are. Wala kang kabuhay buhay. Emotionless."
"Ask the women who had been on my bed if I'm emotionless at walang buhay. Believe me. Hindi sila maniniwala."
Women? Humarap ako sa kaniya at kinagat ko siya ng mariin. Hindi na ako magtataka kung bumakat iyon. O bumaon. Na pa sigaw siya ng malakas.
"I HATE YOU REESE!"
"Same here."
"Ang bastos mo pa!"
"Ikaw rapist."
Kinagat ko siya ulit. Hinila naman niya ang buhok ko. "Eh ikaw vampire. Sigurado ako iyan din ang sasabihin ng mga exes mo. Nangangagat ka kasi." nang-aasar na sabi niya.
"I never ever bit them. Itanong mo sa kanila kung gaano ako kagaling humalik."
Lie. Hindi ako angpapahalik. Tinignan ko si Reese na napatigil at nakatingin na lang sakin. Nag-iwas siya ng tingin pagkaraan ng ilang sandali.
"Hurricane."
"O?"
"Ilan na ang naging boyfriends mo?"
"I can't remember. I dont keep tabs."
"Bakit hindi nagtatagal?"
"Bakit ko naman sasabihin sayo? Ikaw din naman hindi nagtatagal ang mga girlfriends mo."
"Wala akong girlfriends."
Sampalin ko kaya ang taong to? Kasasabi niya lang kanina. Anong tawag don kung hindi niya girlfriend? Bed warmer? Heater lang ang peg? "Yeh, Right. Tell that to the marines, Reese."
"They're not my girlfriend. At hindi pa ako nagkakagirlfriend."
Weh? Parang hindi naman kapanipaniwala yon.
"Just answer my question Hurricane. Bakit hindi tumatagal?"
"Ayoko kasi ng commitment. I don't like it. I love my freedom. Hazard lang sila sa buhay ko. Hindi nila maintindihan na minsan wala na akong time. Maya't maya gusto nila kasama ako. Kapag hindi ko binigay nagagalit at isa pa gusto lang nila akong-"
"Ano?"
"Alam mo na yon. Halika na nga!"
Tumayo na kami. Pinapatawag na kasi kami sa conference room. Nag aalisan na yu==ang mga agents. Nag lakad kami papunta sa conference room. Nang makarating kami don ay nag kaniya-kaniya na kami ng upo.
"Ngayon sasabihin namin sa inyo ang magkakateam sa mission. Mag sisimula kami sa junior." paliwanag ni Warren.
Wala na kasing newbies sa batch namin. Since magkakasama na kaming lahat since bata pa kami. Junior na agad yung iba. Kami minana lang namin ang position ng parents namin kaya nasa elite kami. Reese is different dahil siya ang nauna saming lahat na mag train.
Napatingi ako kay kuya Warren ng binalingan niya kami. "Elite agents naman. Si Sophie kasama ko, kaming dalawa ang team. I have no choice."
Nakasimangot na tinignan si sophie na naka dikwatro lang sa isang tabi. Mukhang pinilit ng todo ni sophie si warren.
"First team na maghahanap ng mga information sa company ng boyfriend ni Ciara. Rain, Ice, Summer and Wynter."
Napatalon si Wynter at sumuntok pa sa ere. "Yehey, darling! Magkasama tayo!" Tumakbo si Wynter papunta kay kuya Rain at kumandong. Pilit syang hinuhulog ni kuya.
Wait a minute. Hindi nabanggit si Reese sa first team. Hindi din ako. s**t! Don't tell me...No, No, No!
"Second team. Wynd, Autumn, Reese...and Hurricane."
Noo! Why?! Why?! Ayoko pang maging kriminal
_____________________End of Chapter 7.