CHAPTER 6
Hindi parin ako maka-move on sa mga pinag-usapan namin sa conference room kagabi. Alam namin ni kuya ang tungkol sa B.E.N.D. Alam namin na malaki ang kasalanan ng B.E.N.D. sa pamilya namin at nag simula yon ng mapatay ang lola at lolo namin ng organisasyon na iyon.
Kagabi napag-alaman namin na si Ciara ay ang dating agent ng BHO. Isa siya sa mga bagong agent noon at binabantayan ng mga agent. Wala siyang ibang agent na kilala kundi si Warren. Pero dahil likas kay Wynter ang pagiging mabait, nakipagkaibigan siya kay Ciara ng palihim.
Nang sumabak si Ciara sa first field mission niya. Bigla na lang siyang nawala. Ang akala namin patay na siya. Pero hindi pala.
It was all planned. Pinasok niya ang BHO para malaman ang system nito. Iyon nga lang hindi parin niya alam ang eksaktong lokasyon ng BHO dahil under probation siya ng pinasabak siya sa field mission. Katulad sa ibang mga agent na under probation, nakablind fold sila kapag nilalabas at pinapasok ng BHO.
Hindi namin nalaman na siya pala ang Ciara na naging kaibigan ni Wynter noon dahil pinaiba niya ang mukha niya. And she was Diana before. When she got out, she changed her identity.
But we're ready now. Hinayaan namin ang chip sa loob. Pero may binago si kuya Rain doon para mabigyan kami ng panahon na makapaghanda. They won't know what will hit them when the time comes that they will attack us.
Ngayon buong mag hapon kaming nasa training room.
I can see na sobrang nahihirapan si Wynter na mag focus cause no matter how this all turn out, kakalabanin niya parin ang kaibigan niya.
I can't imagine how that would feel.
"Hoy, Dracula."
Nilingon ko ang tumawag sakin na alam ko na kung sino. Syempre sino pa? Walang iba kundi si Reese.
"Ewan ko sayo, sumakit ang ngipin ko sa pag kagat sa taong bato na katulad mo."
"Rapist."
"Panget!"
Sinipa ko siya. Pasalamat siya hindi ko siya tinamaan 'don'. Naawa pa ako sa lagay na to at baka hindi siya magkaanak kapag binasag ko ang dapat basagin.
Aha, Hurricane! Ano naman ang care mo kung hindi siya magkaanak? Wag mo sabihing nag aalala ka? Bakit gusto mong maging nanay ng mga anak ng taong bato na yan? Aminin mo na...may pagnanasa ka diyan no?
"OF COURSE NOT! HINDI AKO NAGNANASA SAYO!"
Did I just said it out loud?
Dahil sa nakataas na kilay ni Reese ngayon at sa nagtatakang tingin samin ng mga agents, mukha ngang isinigaw ko talaga yon.
"Wala naman akong sinabi." sabi niya.
"Tse!"
"Pati ba naman isip mo Hurricane ako parin ang isinisigaw? Mag hunusdili ka at baka ma r**e mo ako ng wala sa oras niyan. Alam ko naman na may pagnanasa ka sa kanasanasang katawam ko."
Naasar na tinignan ko siya. Grabe, Reese. Hindi ka ba hiningal non? Yon na ata ang pinakamahaba mong sentence since pinanganak ka. I'm very proud of you at nagiging tao ka na sa wakas. Bayaran mo ako ng malaki sa talent fee ko ha?"
"Ikaw Hurricane hindi ka ba hinihingal? Since kasi pinanganak ka sobrang haba na ng mga sentence mo. Baka pati 'okay' mo ay okaaaaaaaay."
"Corny."
"Woah.Yan na ang pinaka maikli."
"I HATE YOU!"
"The same for me."
Tinalikuran ko na siya. Nakakuyom ang mga kamau na naglakad ako palayo. Pero hindi ko rin natiis. Humarap ulit ako kay Reese at tumakbo sa kaniya. I collided with him kaya napatumba kami sa carpet. Kinurot ko siya ng kinurot at sinabunutan. For the first time hindi gumanti ang taong bato.
Natatawang nakatingin lang siya sakin- Wait. Did I just say natatawa? Natatawa? Tawa? Tumatawa si Reese?! Tumatawa ng hindi pilit dahil nang-aasar siya?!
Napatigil ako. Nakatingin lang ako kay Reese na tumatawa parin. Bakit ganto? Parang...
"Hoy, bawal yan."
Nilingon ko si Autumn na nakatingin samin at naka pamewang na parang school teacher. Bumalik ang tingin ko kay Reese na ngiting-ngiti.
Shit!
Dali-daling napatayo ako. Sinipa ko pa si Reese na naka higa lang ng prente sa carpet. Lumapit na lang ako kay kuya na naka upo lang at sumandal sa balikat niya. Naramdaman ko na tinapik niya ako sa ulo.
"Ni r**e mo na naman si reese?" tanong niya
"Kaasar ka kuya! Hindi ko type ang taong bato na yon." "
Weh?"
"Ikaw nga dyan eh. Kinuwento sakin ni Wynter kagabi na niyakap mo daw siya. Ayieee, lumelevel up ka na kuya, ha?"
"Friendly hug lang yon."
"Ang manhid mo kuya!"
"Ikaw din naman." sumimangot ako.
Tumingin ako sa gawi ni Reese ng makita kong ginagamot siya ni Tita bree na kapapasok lang. Oo nga pala may sugat siya. Malamang dumugo ulit.
"Kasalanan mo yon." aninisi ni kuya.
"Hindi kaya!"
"Sino kaya ang tinalunan siya, sinabunutan at kinurot. Pasalamat ka at may pagkataong bato nga yan kaya hindi ininda at tinawanan ka lang."
Nanggigigil na pinagpupunit ko ang nakita kong papel at basta na lang iyon itinapon kung saan bago ako tumayo. Syempre na guilty ako. Hindi naman ako ganon kasama. Lumapit ako sa refrigerator sa gilid ng training room, kumuha ako ng popsicle tapos lumapit ako kay Reese.
Nakasimangot na inabot ko sa kaniya ang popsicle. "O!"
"Ano yan?"
"Si Zorro. Duh, ano pa ba?"
Umiling-iling si Reese pero kinuha na din ang binibigay ko. "Grabe ka din mag sorry no? Tagos sa puso."
"Oo. Ganiyan ako kasweet. Kapag sobrang sweet na ako, itatarak ko yang popsicle na yan sa puso mo para tagos talaga sa puso."
Tinignan niya lang ako tapos binalik na niya ang tingin sa popsicle. He bit it...then licked it.
I wonder how that lips would feel when he kiss me- "AHHHHH!"
Napatalon lahat ng malapit samin sa sigaw ko. Si Reese naman parang wala lang na tinignan ako. He looks innocent. "Bakit?"
"Wala!"
Kibit-balikat lang ang tugon niya. Nakatayo parin ako don.
"Hurricane."
"O?"
"Basahan ka ba?"
"Suntok gusto mo?!"
Herolled his eyes. "Sagutin mo na lang."
"Syempre hindi!"
"Tsk tsk. Corny mo talaga. Sagutin mo ng bakit. Basahan ka ba?"
Trip nito? Parang seryosong seryoso siya eh. Sa isangkamay niya hawak niya ang phone niya. Nakasimangot na sumagot ako. "Bakit?"
"Kasi, you sweep me off my feet."
"Reese!"
"What?"
"San mo natutunan yan?!"
"Kay Wynter. Sabihin ko daw sayo eh."
"Sa susunod wag kang nagpapaniwala sa mga kalokohan ng mga yan!"
"Bakit ba?"
"Wala!"
"Bat ka sumisigaw?"
"Trip ko lang!"
Tumahimik na naman siya. Tapos magkadikit ang mga labi niya na nakatingin sakin. Feeling ko pinipigilan niya na pagtawanan ako. "Hurricane."
"Ano?"
"Walis-"
"Anak ng ewan, Reese! Ikaw kaya walisin ko diyan? Babanat ka na naman."
"Sasabihin ko lang na walisin mo daw iyong kalat mo don. Ayon si kuya mo tinatawag ka. Nag kalat ka daw ng mga papel don."
Nangigigil na tumalikod ako. Nakakaasar! Pasalamat ka mahal-
Anong sinabi ko? Mahal? Noooo! Of course not. Pasalamat na lang siya mahal ko ang mommy ko kaya hindi ko pa siya papatayin. Yun! Iyon ang ibig kong sabihin.
________________________End of Chapter 6.