CHAPTER 38 Umaga na pero ayaw pa rin akong pauwiin ni Reese sa BHO kaya ngayon dinala niya ako sa mall. May kulang daw sa mga gamit ng babies. PInagod niya lang ako maghapon at in the end sangkaterbang gamit ng mga bata ang binili namin na hindi pa naman kailangan. Nawindang lang sa amin ang mga sales lady lalo na ng malaman nila na hindi pa lumalabas ang baby. kasalukuyan kami ngayon na magkahawak ng kamay at nagPapalakad-lakad sa mall. Wala na kaming maisip na magawa. "Waaaaaah! Mamaaaa!" Ano ba iyon? Parang kinakatay, nilingon ko ang umiiyak na batang babae na naka pigtail . Mga apat na taon pa lang siya siguro. Hinila ko si Reese palapit sa bata, dumukwang ako hanggang magkatapat na ang mukha namin. "Ne, anong nangyari sa'yo-" "Waaaaah! Nawawala, obvious PO ba?"

