CHAPTER 37 Ang weird ng mga tao ngayon, si Autumn mukhang galing sa pag-iyak, si Wynter at Kuya Rain ay hindi lumalapit sa’min. Si Sophie naman ngayon ay tahimik lang na kumakain, sumunod ay si Kuya Warren na inaya naming sumabay sa pagkain. Masama ang pagkakatingin niya kay Sophie. Nagkakatinginan kami ni Reese habang kumakain ng makita naming malungkot na kumakain si Sophie habang panaka-naka siyang binibigyan ng matalim na tingin ni Kuya Warren. Ano kaya ang nangyari? "Stop looking at me." Tumingin si Sophie kay Kuya Warren at sinalubong ang tingin ni Kuya . "Bakit naman ako titigil?" "Just tell me kung anong problema mo." "Anong problema ko?! Are you really asking me that? Ginulo mo lang naman ang date ko at ipinahiya kaming dalawa sa restaurant na iyon! Why ca

