CHAPTER 36 Parang ang weird lang ni Kuya Rain at Kuya Warren kanina, hay ewan. Nilingon ko si Reese. "Game ka na ba?" "Game na!" Natawa lang siya tapos binitbit na namin ang mga dadalhin namin. Madali lang ang mission namin today, kailangan lang naming pumunta sa offIce ni Stephen Ruis kasi pinapakuha siya samin ng girlfriend niya na si Hanna Reyes. Nabackground check na namin si Hanna at wala naman siyang criminal records and wala namang masama sa gusto niyang mangyari. Kung bakit BHO ang kinuha niya ay sa kadahilanan na nakilala niya si TIto Poseidon nang nag ngangawa siya sa isang coffee shop dahil ang boyfriend niya na pinalayas niya ay hindi na bumalik. And bakit niya pinalayas? Kasi trip niya lang at anong dahilan? Well kasi po pinaglilihian niya ang boyfriend ni

