CHAPTER 35 Nandito kami sa training room at kasalukuyan akong kumakain ng piattos habang pinapanood ko si Reese na nasa loob ng glass wall kasama sila Autumn na tulala at sina Sophie at Summer na nagkukuwentuhan sa loob. Katabi ko si Wayne na siyang nakatingin at taga-monitor ng galaw nilang lahat sa loob ng glass at base sa pag iling ni Wayne ay palpak ang mga nasa loob. Paano ba naman kasi mga hindi seryoso. Tumapat ako sa mic at nag salita. "Umayos kayo." Walang effect, si Reese lang ata ang nakikinig sa'kin kaya nag salita ulit ako sa mic. "Autumn kapag hindi ka umayos kikidnapin ka namin ni Wynter at pag su-suotin ng dress, ikaw naman Summer ipa-pakasal kita kay Ice at Sophie isusumbong kita kay Kuya Warren and Reese tuloy mo lang yan, pakiss Mamaya ha?" Nag thumbs up

