Kokak
Matapos kaming makabili sa footwear department ay hinila na naman ako ni sir Jeremiah sa kung saan. Syempre dahil flat shoes na ang gamit ko ay mabilis akong nakakasunod sa mga yapak niya. Mabuti na lang talaga at naisipan nitong bumili. Napapangiti pa ako ng makita ko ang nakabusangot na mukha ng mga saleslady.
Nakita kong dinala ako ni sir Jeremiah sa isang bag department na naman. Wow! ang gaganda lahat ng mga bags dito. Nangingislap ang mga mata ko dahil lahat ata ay mamahalin ang naka-display.
Muli ay pumasok kami rito. Binati kami ng mga saleslady at mukhang mas pormal ang mga ito kaysa sa mga saleslady ng footwear department. Siguro ay mas disiplinado sila rito.
"Good morning sir, ma'am what can I do for you?" nakangiting bati sa amin ng saleslady.
"Can you give me a white shoulder bag? the latest one please?" utos ni sir Jeremiah sa saleslady na nag-assist sa amin.
Ngumiti naman ang saleslady at agad na sinunod ang sinabi ni sir Jeremiah. Nanlalaki ang mga mata ko sa bag na pinakuha niya.
"Sir? ang mamahal naman ng bag dito," mahina kong sabi rito.
"It's a gift for someone," mahina nitong sabi at bahagya niya akong nilingon kaya naman ay napa-iwas ako ng tingin dito.
Ayan! expect mo bang sayo 'yan ibibigay? Aba naman Kokak, abusado ka? sa isip ko.
Kaya napa-irap na lang ako sa kawalan.
Bumalik ang saleslady na may dalang tatlong bag na puti ang kulay. Siguro ay papipiliin nito si sir Jeremiah.
Ang isang puting kulay medyo maliit siya at may malaking bold letters na kulay gold ang nakalagay ay ang brand name ng bag. Ang pangalawa naman ay siyang pinakamalaki sa kanila, may simpleng desinyo lang ito at easy to wear kaya mas bet ko, ang pangatlo naman ay katamtaman ang laki at mas elegante at sosyal ang desinyo, pang mayaman talaga. Napanguso na lang ako at mahigpit na hinawakan ang aking sling bag.
Tiningnan naman ni sir Jeremiah ang mga ipinakita ng saleslady. Matapos busisiin nito ay lumingon siya sa banda ko.
"What do you think?" tanong ni sir Jeremiah sa akin. Medyo nagulat ako kaya hindi kaagad ako nakapag-response.
"S-sir?" nakatulala kong tanong.
Kumunot na naman ang kanyang magandang noo.
"I said that, what do you think about this bags?" ulit niya sa tanong niya kanina. Napakurap-kurap naman ako at itinuro 'yong crush kong bag.
"Maganda po 'yong malaking bag at simple lang ang desinyo," mahina kong sagot sa kanyang tanong. Napatango naman ito.
"Wow sir, kapag ito po ang pinili niyo ay may free po siyang infinity necklace at iisa na lang po 'yong stock namin dahil limited edition po ito," nakangiting sabi ng saleslady.
Napatulala na lang tuloy ako dahil may pa free necklace pa talaga. Napapanguso na lang talaga ako.
"Okay I will get that one," sabi ni sir Jeremiah. Agad namang binalot ng saleslady ang bag at kinuha ang necklace na free nito.
"Here's my card," sabi ni sir Jeremiah sabay abot ng card nito sa saleslady. Nang matapos ay ibinalik ng babae ang card kay sir Jeremiah.
"Maraming salamat po sir, ma'am," magalang namang sabi ng saleslady.
"Mia, nakuha na ba 'yong limited edition na bag na may free necklace?" dinig kong tanong ng isang babae na may edad na sa kanyang saleslady.
"Yes ma'am, sila po ang nakakuha," sagot ng saleslady.
"Talaga? wow, couple kayo ma'am, sir? May kasabihan kasi ang bag na ito, kapag ang necklace ay ibinigay mo sa taong mahal mo ay siya ang makakatuluyan mo," mahabang sabi ng kadarating lang na babae.
"I don't believe stories like that!" sabi ni sir Jeremiah at kinuha na ang paper bag at hinila na niya ako palabas ng store.
"Thank you so much sir, ma'am!" habol na sigaw pa ng saleslady.
Hindi na nilingon pa ni sir Jeremiah ang babae. At heto na naman ang hilahan style niya. Napahinga na lang ako ng malalim.
Nang makarating kami sa escalator ay hindi pa rin niya ako binibitawan. Hanggang nga sa makalabas kami ng mall ay hila-hila pa rin niya ako. Pinatunog niya ang kanyang kotse at pinasakay na ako.
"Get in!" mariing utos niya.
Kaya naman ay agad kong sinunod ang inutos niya. Mukha na naman itong masungit ngayon. Pagkapasok ko sa sasakyan ay isinuot ko kaagad ang seatbelt ko. Hindi naman kaagad niya pinaandar ang sasakyan kaya ay nilingon ko siya.
"This is yours, don't mind the stories behind that infinity necklace, it's not true," saad niya at ibinigay sa akin ang paper bag na may lamang bag at necklace. Natuwa naman ako. Wala naman akong pakialam sa mga storyang napapaloob sa kwintas na 'to eh.
Inilagay naman ni sir Jeremiah sa backseat ang paper bag na may lamang sapatos ko.
"Wow! maraming salamat sir!" masaya kong sabi sa kanya. Kinuha ko kaagad ang bag at pinalitan ko ang sling bag ko. Ang ganda talaga.
"I just want you to look professional," sagot naman nito. Pero ang sumunod na sinabi niya ang nagpagulantang sa akin at siyang nagpawala sa masaya kong pagkaka-ngiti.
"What?" nagulat kong tanong.
"You heard me right? babayaran mo ako sa mga binili ko sayo," mahina nitong sabi at sabay na ngumisi. Ay naku! akala ko pa naman ay libre na tapos pababayaran niya sa akin 'to? Ang mamahal kaya nito. Ngumuso ako at nag-isip. Ibabalik ko na lang kaya ito sa kanya? Hindi ko naman kailangan ng mamahaling gamit eh.
"Ibabalik ko na lang po sayo ang mga binili mo," naiinis kong sabi. Pinipigilan ko lang talagang bulyawan siya eh.
Tumawa ito, kala mo naman ay maroong nakakatawa. Siya lang naman ang masaya.
"Huhubarin mo ba lahat ng binili kong gamit at ibabalik mo sa akin?" sabi niya na halatang pinaglalaruan ako. Nanlaki tuloy ang mga mata ko. Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Tama nga naman siya, lahat ng sinuot ko ngayon ay binili niya. Kasama pa ang panty at bra!
"Nagbibiro ka ba?" naka-sigaw kong sabi.
"Nope, I'm dead serious here," sabi niya habang mataman pa ring nakatingin sa akin.
"Hindi ko mababayaran ang mga binili mo! pero hindi ko namang sinabi na bilhan mo ako ah?" nakalabing sabi ko. Ilang taon kaya akong magta-trabaho para lang makabayad sa kanya.
"I don't care about your explanation, but I have a solution for you," sabi niya na alam kong tinatago lang ang ngiting tagumpay niya.
Walang kwenta talaga ang lalaking 'to! Nakakagigil na sobra.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi ko na sinuot ang mga 'to!
"Ano na naman ba ang solusyon mo?" nakabusangot kong tanong. Matalim ko siyang tiningnan at hindi man lang natakot ang loko! Bagkus ay nginisihan lang ako.
"Ahm... wait let's revise a solution thing, let's say it's a deal, what do you think?" nakangisi niyang tanong at tinaas-baba pa ang kilay niya kaya mas lalo lang akong nainis sa lalaking 'to. Alam kong may pina-plano siyang kasamaan na naman. Gusto ko ng matapos ang paghihirap ko sa kanya please lang.
"Anong deal na naman 'yan? please lang ayusin mo at ng hindi ka magkabukol ngayon, kahit pa amo kita ay hindi ako mangingiming patumbahin ka sa isang maling salita mo lang!" mariin kong pagbabanta sa kanya. Sobra na talaga akong gigil eh. Narinig kong tumawa lang siya sa akin.
"It's a win-win situation, but I bet it's more beneficial to you," sabi niya at sabay baling sa akin. Face to face na kami ngayong dalawa. Hindi pa niya ikinabit ang kanyang seatbelt kaya malaya siyang naka-harap sa akin. Tiningnan ko siya ng mabuti. At hinintay ko siyang magsalita.
"Magsalita ka na!" gigil kong sabi sa kanya.
"Well, just be my personal assistant for three months. I will increase your salary and I will pay your insurance and of course I will give you a bunos. Every month your family will receive a grocery, what do you think?" mahaba nitong sabi habang nakatitig sa akin. Tiningnan ko ang kanyang mukha. Wala akong makitang pagbibiro roon. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'to. Isang simpleng tao lang ako at isang hamak na taga-linis. Maraming 'bakit' ang gusto kong itanong sa kanya. Punong-puno ako ng katanungan kaya naman ay nalilito na ako.
"Bakit mo ba 'to ginagawa?" tanong ko sa kanya. Tinagilid niya ang ulo niya at tiningnan niya ako ng seryoso.
"I have my reasons," maikli nitong sagot.
"Bakit ako pa?" muli kong tanong sa kanya.
"You really want to know?" balik tanong niya at napatiim-bagang pa siya.
Tumango ako dahil parang hindi na kayang bumuka ng aking bibig.
"Because I know that I can't fall to someone like you," mahina at madiin niyang sabi.
Nagulat ako sa sinabi niya. Alam ko namang hindi niya ako gusto, ang hitsura ko at ang pananamit ko at sino ba ako para mangarap na gustuhin ng isang katulad niya? Gwapo, mayaman at may pinag-aralan.
Nasasaktan ako sa pagiging prangka niya. Masakit palang marinig na inaayawan ka ng isang tao, na pinandidirihan ka dahil lang sa hitsura mo. Gustong-gusto ng kumawala ng luha ko pero pilit ko lang na nilalabanan.
Hindi ako magiging si Kokak kung hindi ako palaban hindi ba? Walang karapatan ang sino man na ipahiya ako at ipamukha sa akin na hindi ako worth it mahalin.
Tumingala ako upang hindi malaglag ang mga luha ko at para rin pakalmahin ang sarili ko. Natawa ako ng pagak.
"Valid reason na ba 'yan para sayo?" mapait kong tanong sa kanya. Naging blangko ang ekspresyon ng mga mata niya kaya hindi ko ito mabasa.
"Alam ko namang pangit ako, walang ka fashion-fashion, pero sapat na ba 'yon para maging rason mo para pahirapan ako?" tanong ko pa rito. Hindi ito nagsalita.
Hindi ko naman na ine-expect na magkagusto siya sa akin. Ang akin lang naman ay reapetuhin niya ang nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim at saka ibinuga 'yon.
"Sige, pumapayag na ako na maging personal assistant mo for three months, at sana pagkatapos ng tatlong buwan ay lubayan mo na ako," sabi ko rito at saka tumingin na sa unahan. Sobrang drama ba? Hmp! Go Kokak! Kaya mo 'yan.
Narinig ko na lang itong nagkabit ng seatbelt niya at pinaandar na ang sasakyan.
Sa isang sikat na restaurant kami bumaba. Tumawag na rito kanina ang kanyang kliyente. Pagkababa niya ay agad na rin akong sumunod. Hawak-hawak ko ang folder at nagdala na rin ako ng ballpen at maliit na notebook at baka may importanteng notes akong isusulat.
Nasa likuran niya lang ako at tahimik na sumunod. Tinanong siya ng receptionist at ng sinabi nito ang kanyang pangalan ay agad siyang iginiya sa isang VIP room.
Pumasok kami roon at may isang lalaki na nga ang naroroon. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakayuko ito.
"Good morning, Mr. Buenavista," bati ni sir Jeremiah sa lalaking nakayuko. Mukha atang busy sa cellphone. Nag-angat ito ng tingin. Nagulat ako sa nakita ko. Siya iyong lalaking bumusina sa akin at sinabihan akong bibilhan ako ng isang dosenang panty! Kaya naman ay agad namula ang mukha ko pagkakita sa kanya. Sana naman ay hindi niya ako makilala. Nag-angat ng tingin ang binata at masayang ngumiti kay sir Jeremiah. Nagkamay ang dalawa at binati rin kami ni Mr. Buenavista.
"Good morning, pare and to you Miss?" sabi niya at tiningnan ako. Ilang beses akong napalunok. Alam ko kasing namukhaan niya ako dahil sa uri ng tingin niya. Napairap na lang ako. Bakit ba ako napapalibutan ng mga lalaking gwapo nga pero may mga sayad naman. Peke akong ngumiti at tinanggap ang kamay niya bilang respeto at narito rin si sir Jeremiah baka masigawan ako. Peke ang ngiti ko rito.
"I'm Kokak," maikli kong sabi at agad ding binawi ang kamay ko. Ngumisi ito ng pilyo kaya naman pinaikutan ko ito ng mga mata na siyang ikintawa niya ng mahina.
"I like your name, Miss Kokak," sabi niya.
Umupo na kaming tatlo. Nang lingunin ko si sir Jeremiah ay madilim na ang pagmumukha nito.
"By the way, Jeremiah where did you get a personal assistant?" tanong ni Mr. Buenavista. Tiningnan ng deritso ni sir Jeremiah ang mukha ng kaharap.
"Why did you ask?" walang ganang tanong ni sir. Tumawa ng mahina si Mr. Buenavista.
"I want to have a personal assistant like her," sabi niya habang ang tingin ay nakapako sa akin. Hindi tuloy ako mapakali sa aking inuupuan. Inayos ko na lang ang salamin ko at kinuha ang notebook at ballpen ko.
Mukhang nahalata na ni sir Jeremiah ang kakaibang titig ni Mr. Buenavista sa akin.
"Stop flirting with my PA and let's start our discussion," mariing sabi ni sir Jeremiah. Bigla tuloy akong napatingin sa kanya.
Anong sabi niya? Flirting? Sa akin pa talaga? Nababaliw na nga ang lalaking 'to ang sarap batukan. Hmp!
"I just find her attractive, I'm sorry for that Mr. Bartley," sabi nito at tumingin sa akin sabay kindat. Namula tuloy ang mukha ko.
Gosh! Ganda ka girl? Sabi pa ng isip ko.