Chapter Eight

2135 Words
Kokak Matapos akong iwan ni sir Jeremiah ay agad na rin akong nagtungo sa kwarto ko. Mabuti na lang at hindi na ako medyo naliligaw. Nakita ko pa si Miss Mercy na nasa sala at may kasamang isang katulong na mukhang naglilinis sila ng mga vase. Nakita niya ako at lumingon ito sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay at mukhang mayroon siyang sasabihin pero itinikom lang ang bibig. Hindi ko na siya pinansin at agad na akong dumiretso sa aking kuwarto. Nang makapasok ay feeling ko sobra akong stressed. Hindi ko alam kung sa aking bagong amo, sa aking trabaho o sa aking kasamahan o di kaya ay all of the above. Napabuntong-hininga ulit ako. Lumapit ako sa kama ko at nakita ko nga roon ang mga paper bag na may iba't-ibang brand name na nakalagay. Nanlaki ang mga mata ko kasi nang bilangin ko ay nasa sampu iyon. Isa-isa kong binuksan ang mga laman noon. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakitang mga damit. Ano 'to? halos branded ang mga damit at mukhang lahat ay mamahalin. Pero ang mas ikinaiinis ko ay maging ang panty at bra ay binilhan pa ako! Paano niya nalaman ang size ko? Ah! kakagigil talaga ang mayabang na lalaking 'yon. Kung pwede lang talagang ipa gang bang ang lalaking 'yon ay ginawa ko na. May box din akong nakita at binuksan ko rin iyon at namangha ako ng makita ko ang tatlong pares ng sapatos na mamahalin at may takong pa itong sa tantiya ko ay three inches. Mas lalo akong nairita dahil hindi ako marunong maglakad ng mga ganitong klaseng sapatos. Lahat ng sapatos ko ay flat lang. Paano ako nito ngayon? mas lalo ata akong mahihirapan eh. Dahil wala na akong magawa ay pumasok muna ako sa banyo at nag half bath muna ako. Ayaw ko namang magtrabaho na parang haggard at stressed. Matapos akong mag-half bath ay agad na akong namili ng damit. Syempre 'yong mga binili ni sir Jeremiah ang isusuot ko. Nagpasalamat na lang ako at hindi mga daring ang mga damit na binili niya. Mabuti na lang talaga at may respeto siya sa akin kahit na papaano. Kinuha ko ang kulay mint green na long sleeve at isinuot 'yon. Ang ganda ng tela at ang lamig pa sa katawan. Hapit na hapit ito sa aking katawan kaya medyo naasiwa ako. Kinuha ko na rin ang itim na slacks at isinuot 'yon. Mabuti na lang at hindi masyadong hapit ang slacks sa akin. Sinunod ko namang isinuot ang sapatos. Good luck na lang talaga sa akin at baka mamaya ay oras-oras akong matapilok. Bahala na nga! Pumunta ako sa vanity mirror at agad kong nakita ang mga mamahaling make-ups na nakahilera. Pero wala pa ring tatalo sa TSP Miracles Cosmetics Products. Ang dating mga make-up kit ang ginamit ko. Hindi naman ako masyadong nagme-make-up ang akin lang is light at pang professional. Sinuklay ko lang ang mahaba kong buhok at hinayaang nakalugay lang ito. Inayos ko rin ang makapal kong salamin. Hindi pa ako tapos dahil wala pala akong bag na dadalhin. Mga luma na kasi ang aking mga bag. Narinig ko ang mga katok mula sa pintoan ng aking kwarto kaya naman ay agad ko iyong tinungo at binuksan. Nanlaki kaagad ang mga mata ko ng makita si sir Jeremiah na nakatayo sa aking harapan at siya pala ang kumatok. "S-sir Jeremiah," nauutal kong sabi. Pinasadahan niya ako ng tingin at napalunok ako. Umiwas na rin ako ng tingin sa kanya para hindi mapahiya sa kanyang mapanuring mga mata. "Are you done?" baritonong boses nitong tanong. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Hindi agad ako nakapagsalita. "Ah, malapit na po. Ahm wala po kasi pala akong--," hindi ko na itinuloy ang aking sasabihin dahil matalim na niya akong tiningnan kaya naman ay napatalon ako sa gulat. Dahil sa pagmamadali ay bigla akong natapilok. Bang! rinig kong ingay ng dahil sa pagkabagsak ko. Ay! shunga lang talaga Kokak? nakakainis din kasi ang sapatos na may takong na ito eh! Narinig ko ang mahinang tawa ni sir Jeremiah. Mas lalo lang tuloy nag-init ang aking ulo! Tumayo kaagad ako at hinilot ang ankle kong nasaktan. Ni hindi man lang ako tinulungan. Walang modong lalaking 'to! Paikaika akong tumungo sa aking kama at kinuha ang aking lumang sling bag. Itong bag na lang kasi ang medyo bago sa mga bag ko eh. Nang matapos maisabit ang bag sa katawan ko ay paikaika pa rin akong tumungo sa gawi ni sir Jeremiah. "Okay na sir," mahina kong sabi rito. "What did you say awhile ago?" tanong pa nito. Kunot-noo ko siyang tiningna. Ayaw ko ng sabihin at baka pagtawanan pa ako at sabihang abusado. "Ah, wala po sir," sabi ko sabay lakad palabas ng kwarto ko. "Okay, let's go" sabi niya at sumabay na akong maglakad sa kanya. Dahil nga natapilok ako at hindi sanay sa heels ay nahihirapan akong sumunod sa kanya. Ay naku! maglaho ka na sanang sapatos ka! Medyo may kalayuan na ang pagitan namin ni sir Jeremiah kaya naman ay mabilis ko itong hinabol. Nakita ko itong may pinindot at agad nang bumukas ang pintoan. Mabilis kaagad akong naka-sunod sa kanya. Lumakad ito sa kinaroroonan ng magarang sasakyan. Napanganga ako dahil sa kintab at ganda. Siguro ito 'yong mga latest model na mga kotse. Nakaka-tulo laway talaga ang mga gamit nila. May kinuha ito sa bulsa niya at tumunog ang sasakyan. "Get in!" mariing utos niya. Kaya naman ay sumakay agad ako sa back seat ng sasakyan. Pero nagulat ako ng sigawan niya ako. Nakaupo na kasi ito ngayon sa driver's seat. "Am I a driver to you?" naiinis nitong tanong. Kaya naman ay napanganga ako. ''Hindi po sir," mahina kong sagot. "Then, sit here!" mariing utos niya sabay turo sa katabing upuan niya. Kaya agad na akong lumabas at lumipat sa katabi niyang pwesto. Akala ko kasi magagalit siya kung doon ako uupo. Mas magagalit pala ito kung dito ako sa likod uupo. "Okay, put your seatbelt," utos niya. Kahit inis na ako sa pag-uugali nito ay tiniis ko na lang talaga. Ayaw kong mapahiya ang mga taong nagtiwala sa akin kaya sana lang po mas tumaas pa ang pisi ng pasensya ko sa aking among dinaig pa ang menopausal na pa iba-iba ang ugali. "By the way," rinig kong sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. May inabot siya sa aking folder at agad ko 'yong kinuha sa kanya. "It's my schedules you should read it and familiarized all the information there," sabi nito. Mabuti na lang talaga at hindi ako bobo at madali rin sa akin kung familiarization man lang ang pag-uusapan. Umandar na ang sasakyan at mabilis kaming nakalabas ng gate. Maging gate ay sumusunod sa kanya kaya naman ay napairap ako. Sobrang mahangin at mayabang. Nasa daan kami at mabuti na lang talaga at maaga pa kaya hindi masyadong traffic. Mukhang malayo-layo ang biyahe namin ah. "Saan ba ang punta natin?" di ko mapigilang magtanong sa kanya. Lumingon ito saglit at biglang napadako sa aking bag ang kanyang mga mata. Kaya naman ay inipit ko ang bag ko ng mabuti para hindi niya makita. "Makati, I have to meet my important client there," mahina nitong sabi at ibinalik na ang mga mata sa daan. Hindi na ako umimik dahil baka mamaya kung ano-ano pa ang lumabas sa bibig ko at masupalpal na naman ako. Ilang minuto lang din ang nakalipas at huminto kami sa isang mall? dito ba ang meeting nila ng client niya? Hmp! bahala na nga siya. Nang bumaba ito ay sumunod na rin akong bumaba sa sasakyan. Hindi man lang ako hinintay. Kaya lakad-takbo ang ginawa ko dahil sa bilis ba naman nitong lumakad at isa pang problema ko ay ang takong ng sapatos ko. "Faster! Kokak!" sigaw niya ng medyo malayo na ang agwat naming dalawa. "Opo, bibilisan ko na sir!" ganting sigaw ko sabay irap at pinukol ko ito ng matatalim na tingin. Kung nakamamatay lang ang tingin ay kanina pa ito duguan. Mabuti na lang talaga at nahabol ko siya. Ang sakit-sakit talaga ng aking mga paa. Feeling ko ay dumudugo na ito eh. Nakabuntot lang ako sa kanya. Nang makapasok kami ay mabilis na binati ng mga guard si sir Jeremiah. Binati rin nila ako dahil siguro nakita nilang kasama ako ni sir kaya nag-bigay galang na rin sila. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanila dahil hindi naman ako sanay na may bumabati ng pormal sa akin. Pero si sir Jeremiah ay walang pakialam sa mga bumabati rito at tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Napailing na lang ako. Siguro siya ang may-ari nitong mall dahil kung makaasta ay akala mo hari! Huminto ito at nilingon ako. "Come here!" utos niya at sininyasan akong lumapit sa kanya. Agad naman akong tumalima at baka tupakin na naman ito. Nang makalapit ako ay agad niyang hinawakan ang aking kamay at iginiya ako sa escalator. Medyo nabigla ako dahil sa ginawa niya. Nanuot naman sa sistema ko ang elektrisidad na nanggagaling dito. Hindi na lang ako umimik at pinigilan ko ang aking sarili na hatakin ang kamay ko na hawak-hawak niya. Nang makarating kami sa second floor ay hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Para lang niya akong kinaladkad dahil sa malalaki ang kanyang hakbang at medyo masakit pa ang mga paa ko. Tinungo namin ang footwear department. Tiningnan ko ang kabuuan ng shop at puro pang babae ang naka-display. Ano na naman kaya ang ginagawa namin dito? anang isip ko. Hinila niya pa rin ako papasok ng shop at ng makita siya ng mga saleslady ay agad siyang binati ng mga ito. Nang dumako ang kanilang mga panangin sa akin ay pinasadahan ako ng tatlong babaeng nasa harapan namin ngayon. Binati rin nila ako pero alam kong pilit na pilit lang talaga hindi katulad ng pagbati nila kay sir Jeremiah. Napalunok ako ng maging mapanuri at mapang-uyam ang kanilang mga tingin. Gusto ko sana silang sampalin pero may natitira pa naman akong respeto sa sarili ko. Kaya umiwas na lang ako ng tingin matapos akong ngumiti ng pilit sa kanila. "What can I do for you sir?" magalang na tanong kay sir Jeremiah ng isang saleslady at halatang nagpapa-cute. Napa-rolled eyes na lang ako. "I want you to give her a flat shoes, a new model," utos nito. Nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na ako pala ang bibilhan niya ng sapatos. Hindi naman ako nag-complain sa kanya ah. Pero mabuti naman at may pusong mamon ito at naisipang palitan ang sapatos ko. Hinila niya ako at pinaupo sa silyang naroon. Nang makaupo ay balak ko sanang hubarin ang aking sapatos pero hindi ko inaasahang umupo si sir Jeremiah at siya ang nagtanggal ng aking sapatos sa aking mga paa. Napanganga tuloy ako at hindi makagalaw. Nang mag-angat ako ng tingin ay napanganga rin ang mga saleslady at parang hindi makapaniwala sa ginawa ni sir Jeremiah. Nang matanggal na niya ang sapatos ko ay tiningala niya ako at saka ngumiti. As in 'yong ngiting pang one million talaga. Nganga lang ang naging tugon ko. Alam niyo 'yong nalilito kayo sa mga galawan niya. Minsan masungit at minsan naman mabait? di ko talaga siya ma gets. Pero in fairness kinilig ang bunbunan ko. "I want you to change your shoes into comfortable one," sabi niya sabay tayo. "Ito na po sir, limited edition po ang isang ito at iyan na lang ang natitirang stock namin," masayang sabi nito at ibinigay sa akin ng saleslady ang isang pares ng flat shoes. Grabe naman limited edition talaga? magkano naman kaya ang isang 'to? Kukunin ko na sana ng bigla na lang kunin ni sir Jeremiah ang sapatos at agad na naupo. Kinuha niya ang isang paa ko at isinuot niya sa akin at ganoon din ang ginawa niya sa isang paa ko. Tamang-tama lang talaga ang size ng sapatos sa paa ko. Parang nalulunod na ang puso at sistema ko. Matapos niyang maisuot 'yon ay agad siyang tumayo. Nakangiti niya akong pinagmasdan. "It's suit you," komento pa nito kaya medyo pinamulahan ako ng mukha. Feeling ko tuloy ay mala-Cinderella na ang buhay ko. "Salamat po rito sir," sabi ko pa at ngumiti ako ng totoo sa kanya. Habang ang mga saleslady ay hindi makapaniwala at nakanganga lang. "I will get this one, here's my card and please put her shoes in a paper bag," utos niya sa saleslady ibig niyang sabihin ay 'yong sapatos kong hinubad at agad na rin naman itong tumalima. Masayang-masaya ako at hindi ko na inisip kung ano man ang sasabihin ng iba. Dahil mga titig pa lang ng mga saleslady ay sinasaksak na ako sa kanilang mga isipan. Inirapan ko na lang sila at nang-iinis ko silang nginitian. Sige lang at maiinggit kayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD