Chapter Seven

2055 Words
Kokak Nagising ako ng alas-kwatro ng umaga. Ang laki na siguro ng eyebag ko. Hindi kasi ako nakatulog ng mabuti kagabi dahil sa kakaisip sa mayabang na lalaking 'yon. Ni hindi ko nga alam kung ano ang pangalan niya. Nakaka embyerna na lang talaga. Kahit anong lambot ng kama ay hindi nito nakayang patulugin ako ng maayos. Binabagabang pa rin ako ng mayabang na lalaking 'yon eh! Tumayo na ako sa kama ko at agad na nagtungo sa bathroom para makapagligo na. Sanay na sanay naman ako sa lamig eh. Mabuti na lang talaga at kompleto ang kagamitan dito sa loob ng banyo. Mukha ngang mamahalin ang mga shampoo, sabon, at shower gel eh. Agad kong binuksan ang tubig. Nagulat ako ng hindi malamig ang naramdaman ko. Maligamgam ang tubig dito, siguro naka heater. Mabilis akong naligo dahil ayaw kong ma-late sa aking trabaho at mukhang may pagbabanta sa pagmumukha ng mayabang na lalaki na 'yon eh! Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagkuha ng mga damit ko. As usual naman ang fashion ko kaya huwag na kayong magtaka. Isang long sleeve na kulay berde at slacks na gray ang kulay. Syempre hindi mawawala ang pangmalakasan kong salamin. May nakita akong blower sa may vanity mirror kaya naman ay ginamit ko 'yon. Mabilis lang na natuyo ang aking mahabang buhok ng matuyo ay agad ko itong itinali. Inayos ko muna ang sarili ko at agad na akong lumabas ng silid. Syempre ay hindi ko nakalimutan ang magic card ko iniligay ko siya sa aking bulsa para siguradong hindi ulit mawawala o kaya mahulog na naman. Pag dating ko sa sala ay tahimik pa ang buong mansion. Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula eh. Ayaw kong maglibot at baka naman ako maligaw. Mayamaya lang ay may narinig na akong mga yabag at paglingon ko ay ang mayabang na lalaki pala ang bumababa sa kanilang mataaas at napakagandang hagdanan. Tiningala ko siya at para lang siyang Greek god na bumaba sa lupa. Napanganga na naman ako. Pero dahil baka ma bash na naman ako ng mayabang na 'to ay agad akong tumayo ng maayos. Dahan-dahan siyang lumapit sa pwesto ko. Napapalunok na lang talaga ako sa taglay niyang karisma at kakisigan eh. Nang makalapit siya ay agad akong tumikhim at pormal siyang tiningnan. Tumitig siya sa akin at nakapaskil ang pilyong ngiti nito. Agad akong napairap sa kanya. Kung hindi ko lang talaga siya boss ay nunka ko siyang papansinin! "Magandang umaga po sir," magalang kong bati rito at nginitian ko siya ng peke. "Hmm... good morning, I think we should introduce ourselves to each other, right?" sabi pa niya. Biglang tumaas ang kilay ko. Mukhang may masama na naman itong balak. "Kilala niyo naman na po siguro ako," mahina kong sabi. Sa totoo lang ay gustong-gusto ko na siyang singhalan eh. Ayaw ko lang talagang mapahiya si Miss Michie sa amo niya. "Well, I want you to introduce yourself," utos niya pa at naglakad ito papalapit sa gilid ko. Hindi ko siya nilingon at nananatili lang ako sa kinatatayuan ko. Huminga ako ng malalim bago siya sagutin. "Ako nga pala si Kokak, sir," mahina kong pagpapakilala. Umikot ito sa likod ko at huminto siya ng nasa harapan ko na siya. "Nice name Kokak," sabi niya pa sabay pasada ng tingin niya sa akin. Mukhang nakaka-insulto ang bawat tingin nito sa akin. "Jeremiah is my name, I hope we get well," pakilala niya pa sabay ngisi. "Jeremiah? kilala niyo po ba si Jericho sir?" nanglalaki ko pang tanong sa kanya. Napakunot-noo siya sa akin. Nagtatanong ang mga mata niya. Pinipigilan ko ang sarili ko na matawa sa kanyang nababagabag na hitsura. "I don't know him!" nakabusangot niyang sagot. "Okay po, akala ko kasamahan mo siya eh," naiiling kong sabi. Magsasalita pa sana siya ng bigla na lang sumulpot sa kawalan si Miss Mercy, kasama nito ang isang mas matandang katulong, sa tingin ko ay ito ang mayordoma dahil sa istriktang nakikita ko sa awra niya. "Good morning sir Jeremiah," sabay na bati ng dalawang matanda. "Good morning Manang Rosa, is everything ready?" bati nito sabay tanong ni Sir Jeremiah sa dalawa. "Yes sir, pumunta na po kayong dalawa sa dining at nakahanda na ang mesa," magalang na sabi ni Miss Mercy. Tiningnan ako ni Jeremiah at saka seninyasang lumapit dito. Lumapit naman ako lalo na at may mga matang nakatingin, baka katayin na lang akong bigla. "Y-yes sir?" medyo nautal pa ako. Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib ko eh. Kakainis lang talaga, hindi naman ako nai-intimidate sa mga kagaya niyang mayabang. Bakit exempted yata ang isang 'to! "Join me and I will discuss your work with me," seryoso niyang sabi sa akin. Napanganga ako sa narinig. Teka! diba ang trabaho ko ay maglinis? ano na naman ba ang kalokohan ng isang 'to. Lagot na talaga ako! "P-po?" parang tangang sabi ko. "Didn't you hear me?" parang naiinis na nitong sabi. Tumikhim ako at umayos ng tayo. "Okay po sir," mahina kong sabi. Nang mapalingon ako kay Miss Mercy at sa kasama niya ay mas lalo akong kinabahan. Matatalim ang tingin ni Miss Mercy sa akin habang ang mayordoma naman ay malamig lang ang titig sa akin. "Follow me!" mariing utos nito kaya naman ay napatingin ulit ako sa kanya. Tumango lang ako at nang maglakad ito ay agad ko siyang sinundan. Medyo tatlong minuto rin ang nilakad namin bago marating ang napakalaki at engrandeng dining room na nakita ko. Namamangha ang mga mata kong nakatitig sa kabuuan ng dining area. Cream white rin ang kulay at ang mga edges nito ay kulay ginto rin. Nang dumako ang paningin ko sa mesang nasa harapan ko ay agad ng laki ang mga mata ko. Ano 'to? birthday o fiesta? ang daming pagkain sa mesa. Napakahaba pa ng mesa nila. Nakita kong umupo si sir Jeremiah sa pinakadulong upuan. Hindi ko alam kong saan ako uupo kaya naman hindi ako makagalaw. Nang makaupo ito ay nagtataka ang mga mata nitong tumingin sa akin. "Did I told you to join me?" kunot na kunot ang noo nitong tanong. Bakit mas lalo lang yata siyang naging gwapo sa paningin ko? Hay Kokak! magtino ka nga ng hindi ka napapahamak! sigaw ng isip ko. "Ah-eh, hindi ko kasi alam kung saan ako uupo sir Jeremiah," mahina kong sabi rito. Napailing na lang ito at parang pinipigilan ang labing mapangiti. Kaya mas lalo lang akong kinabahan. Baka kasi may pilyo na naman siyang naiisip eh. "Sit here beside me," sabi niya at itinuro ang nasa kanang bahagi ng upuan. Ha? sa tabi niya talaga? Naguguluhan ko siyang tiningnan. "What are you waiting for? come here now!" mariin at naiinis na nitong utos kaya naman ay agad akong kumilos ng mabilis at hinila na ang upuan at umupo ako roon. "Okay let's eat," sabi niya pa pero pinigilan ko kaagad ang kamay niyang susubo na sana. Nagtataka naman niya akong tiningnan. Ngumiti ako ng pilit aa kanya. "Hindi po ba kayo magdadasal?" mahina kong sabi. Tiningnan niya ang mga kamay kong nakahawak pa sa kanyang kamay at parang napapasong bigla ko na lang itong binitawan. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Pasensya na," mahina kong sabi. Para akong napapaso ng mahawakan ko ang kanyang kamay. Parang kakaiba ang pakiramdam ko. Pero agad ko na lang iyong iwinaksi sa aking isipan. "Okay let's pray," sabi pa nito na siyang dahilan ng pagnganga ko. Dahil sa narinig ay agad akong nagdasal. Taimtim akong nagdasal at ng matapos ay saka pa kami nagsimulang kumain. Natutuwa ako kasi kahit naman mayabang ang lalaking 'to ay may puso pala siyang busilak. Masaya akong napatingin sa kanya. Magsisimula na sana akong kumain ng makita kong ang daming kubyertos sa gilid ng plato ko. Hindi ko alam kong anong kukunin ko, may maliit pang kutsilyo sa isang gilid. Hindi ako sanay kumain ng may ganito. Ah! bahala na nga at magkakamay na lang ako. Kaya ang ginawa ko ay nagkamay ako ng matapos kong maglagay ng kanin at ulam. Napalingon naman sa akin si sir Jeremiah ng makita niya ang ginawa ko. Hmp! bahala siya dyan. "What are you doing?" nakakunot na naman ang mga noo niya. Sarap lang talagang iugok ang kanyang ulo dahil kahit simpleng pagkunot ay nagpapagwapo sa kanya. "Nagkakamay," mahina kong sagot dito. "There's a utensils you can use," sabi niya sabay turo sa mga gamit sa gilid ng mga plato. "Hehehe hindi po kasi ako marunong gumamit nyan eh!" nahihiya kong sabi sa kanya. Amused siyang nakatingin sa akin. Nagkibit balikat na lang ito at nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos ako ay hinanap ko kaagad ang lababong pwede kong mapaghugasan ng kamay. Kainis naman eh! Nagpalinga-linga ako sa paligid at ng walang makita ay tumingin ako kay sir Jeremiah. Nabigla ako ng sa paglingon ko ay nakatitig na pala ito sa akin kaya napangiti ako ng peke. "Anong hinahanap mo?" tanong niya at tiningnan ako na para bang baliw. Lumunok muna ako ng laway bago siya sinagot. "Pwede ba ako maghugas ng kamay ko?" mahina kong tanong dito. "You can go there and wash your hand," sabi niya at may itinurong maliit na sink sa dulo. Nakahinga ako maluwang dahil hindi kalayuan ang sink nila. Mabilis akong tumayo at tinungo ang sink at naghugas ako ng kamay. Napakalinis naman dito at kompleto pa talaga. Halatang lahat ng gamit ay mamahalin. Nang matapos ako ay agad akong bumalik sa aking upuan. Nakita kong tapos na ring kumain si sir Jeremiah. Napansin ko lang na walang mga katulong sa paligid. Nagpunas muna siya ng bibig niya at agad akong tiningnan. "Now, let's talk about your job for me," seryoso niyang sabi at tinitigan niya ako ng maigi. Napalunok ako kasi feeling ko ay hahatulan ako sa kinauupuan ko. Hindi ako nagsalita at tumitig lang sa kanya. "My Mom told me that your a janitress and she hired you to clean the whole second floor for one week, am I right?" mahaba niyang sabi sabay tanong. Tumango ako sa kanya. "Opo, tama po kayo," mahina kong sabi. "But now everything will change," sabi niya sabay tingin sa aking mga mata. Parang may nakikita akong emosyon na hindi ko mawari o mapangalanan man lang. Pero saglit lang 'yon at agad na ring nawala. Napabuntung-hininga na lang ako roon. "Ano po bang ibig niyong sabihin?" tanong ko dahil medyo kinakabahan na ako sa uri ng paninitig niya sa akin. Hindi ko alam pero para bang may galit siya sa akin o ano na hindi ko alam. Wala naman akong matandaang may ginawa sa kanya upang ikagalit niya. Pwera na lang kung 'yong nangyari sa amin nong isang gabi ang ikinagagalit niya. "Like I said last night, your going to be my slave," nakangisi nitong turan. Naglalaro sa mga labi niya ang pilyong ngiti. Mas dumoble ata ang kaba ko. "Gagawin mo akong alipin? for real?" nahihintakotan ko ng pahayag sa kanya. Napasandal na lang ako sa aking upuan. Hindi ko naisip na ganito ang kahihinatnan ko rito. Ang saya ko ng malaman na triple ang sahod ko at may bunos pa ako, ang saya ko dahil isang napakalaking mansion ang titirhan ko at mayroon akong napakagandang kwarto at ang gagawin ko lang naman ay ang maglinis na parati ko namang ginagawa kaya sanay na sanay ako pero hindi ko alam mas malala pa pala ang kahihinatnan ko. "Ano bang gusto mong gawin ko?" nanghihina kong tanong dito. "Well, your going to be my personal assistant for one week, lahat ng mga schedules ko ay dapat alam mo. Wherever I go you should always there to assist my needs," seryoso niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang ginagawa niya. Ang layo ng trabaho ko sa pinapagawa niya sa akin. "P-pero hindi ako marunong sa pinagagawa mo," deretso kong sabi rito. Ang sarap lang talagang umiyak eh. "You have no choice, just do it," sabi niya na medyo may inis na sa kanyang boses. "You should change your clothes, I already buy you a formal attire and shoes to use, it's in your room already. You should be ready before eight," mahaba niyang sabi sabay tayo. Agad itong umalis sa dining room. Naiwan ako roong litong-lito sa sitwasyon ko. Ilang minuto lang din ang nakalipas at agad na rin akong tumayo at tinungo na ang aking kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD