WALANG pagsidlan ng kaligayahan ang puso ni Elizabeth, matapos ang araw ng kanyang pagtatapos. Ngayon ay handa na siyang magtungo sa bansang Europa. Upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina. At pangako niya sa kanyang mga magulang na balang araw ay kikilalanin siya bilang isa sa pinakamagaling na manggagamot. “Anak, mag-ingat ka doon ngayon mapapalayo ka na sa amin ng iyong papa ay hindi namin maiwasan hindi mag-alala. Unang beses na magkakalayo tayong tatlo kaya naman ay huwag mong kakalimutan ang magdasal. Iwasan mo rin ang lumabas sa gabi upang masiguro ang iyong kaligtasan.” “Ikaw talaga mama, may isang buwan pa naman bago ako magtungo doon. Kaya huwag mo muna iyong isipin, okay?” sabay yakap niya sa kanyang mama upang hindi nito mahalata na nalulungkot din siya. Ang isipin

