Panimula

1609 Words
Galak kong tiningnan ang magkabilang bahagi ng kalsada bago ako tatawid sa kabilang banda. Mahigpitan kong hinawakan ang aking backpack habang dala-dala ko pa rin ang aking ngiti. Masaya akong nakayanan ko na naman ang araw na ito. Katunayan, medyo napagod ako sa mga school activities; both written and performances. Nasa ika-pitong baitang na ako sa hayskul at hanggang ngayon pasan-pasan ko pa rin ang aking nag-iisang pangarap – ang makapagtapos ng pag-aaral. Hindi man madali ang bagong yugto ng aking buhay bilang estudyante, ngunit alam kong malapit na ako sa mga pangarap ko. Kaunting push pa, laban lang! Napakawalan ko ang malalim na hininga saka napagdesisyunan nang tumawid at tahakin ang kabilang bahagi ng kalsada. Nalanghap ko pa ang usok ng mga jeep, ang tinaguriang mga hari ng kalsada. Marami-rami na rin ang nagsitahakan pauwi. Kanya-kanyang tahak sa bawat mga landas. Ang bilis ng takbo ng oras. Hindi ko namalayan kanina sa classroom na hapon na pala. Gano'n talaga siguro kapag may ginagawa o abala. Inuunat-unat ko ang aking magkabilang braso sa hangin saka pumikit. Dinamdam ko ang kaaya-ayang simoy ng hangin. Lumulubog na rin ang araw, nangangahulugang hahantong na ang gabi. Muli kong iminulat ang aking mga mata saka dahan-dahang tumakbo upang mabilisan akong makaabot sa aming tahanan, kahit papaano. Gusto ko nang matikman ang paborito kong lutong meryenda ni Mama. Ang kanyang malinamnam na pancake na may kapares na kapeng gawa sa bigas na mais. Naramdaman ko na tuloy ang matinding gutom. Nag-aalburato na naman ang aking tiyan. Ubos na ubos kasi ang aking enerhiya sa mga pinagagawa namin kanina sa school pero, ayos lang. Mababalik din naman kung makakauwi na ako at makakakain. Sina Danvel at Wailex kaya, kumusta kaya ang pag-aaral ng mga batang 'yon? “Mama, andito na po ako!” Kaagad kong inilapag ang aking mabigat na backpack sa silyang gawa sa kahoy. Sa wakas nakauwi na rin ako sa aming napakagandang bahay, ang aming hindi gaanong kaliitang kubo. Tumungo ako kaagad sa kusina at hindi nga ako nagkamali, ando'n na sina Mama at ang dalawa kong bunsong mga kapatid. Ang mga makukulit na kambal na ngayo'y naghihintay sa akin. Kinuha ko ang kamay ni Mama saka nagmano. Mabilisan naman akong umupo sapagkat handang-handa na ako sa pagmemeryenda. “Oh! Mukhang gutom na gutom ka, ’nak ah!” natatawang ani ni Mama. Nakitawa na rin ako. Gustong-gusto ko talaga ang ngiti ni Mama. Mas lalong tumitingkad ang kanyang kagandahan nang dahil sa kanyang ngiti. “Oo nga, ’Ma! Mukhang mapapasabak ako nito.” Napakamot ako sa batok matapos kong banggitin 'yon. Napatingin ako sa gawi ng kambal. Nakanguso na ang dalawa. Nababagot na ata sa kahihintay upang makakain na. Tuluyang napangiti si Mama. Hindi ko tuloy mawaldas ang pagtitig sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umupo sa kanyang silya. “Naku, kayo! Sobrang adik na adik talaga kayo sa pancake na palagi kong niluluto.” Pinaglalagyan na ni Mama ang aming mga maliliit na pinggan ng tig-aapat na pancake. Sinunggaban ko agad 'yon. Ano pa ba ang hihintayin ko? Nasa harapan ko na ang grasya, hindi ko pa ba papansinin? Mabilisan akong ngumuya ngunit napatigil ako sa pagkain nang masilayan kong nabilaukan si Wailex. Panay pikpik naman si Danvel sa likod ng kanyang kambal. Nataranta namang iniabot ni Mama ang basong tubig kay Wailex. Hinagod ni Mama ang likuran nito. Napahinga kami ng maluwag nang matunghayang ayos na siya. “Sinasabi ko sa inyo, dahan-dahan lang sa pagkain. Pinagpapaalala ninyo ako, Wailex!” mala-awtoridad na wika ni Mama sabay titig sa kapatid kong ngayo'y nakayuko na. “Sorry na po, Mama.” Umangat ang ulo nito at nakanguso na namang tumingin kay Mama. Imbes na mainis si Mama, umamo ang mukha nito. Iba talaga ang alindog ng pagnguso ni Wailex. Haha. “Hmm...sa susunod, dahan-dahan na sa pagkain, ha? Hindi ito karera.” Tumayo si Mama sa kanyang kaninang kinauupuan saka sinimulan na niya kaming timplahan ng kapeng gawa sa bigas na mais. Malapit ko na ring maubos ang apat na pancake na inilapag ni Mama sa pinggan ko. Kalahati na lang ang natira sa panghuli. Tumayo na rin ako upang tulungan si Mama sa paghahanda ng aming inumin. “Mama, kumusta po ang araw ninyo ngayon?” Hinaplos ni Mama ang aking buhok saka siya nagsalita. “Ayos lamang ako, Anak. Ikaw kumusta ang 'yong pag-aaral? Naka-adjust ka na ba sa bagong school na pinasukan mo sa hayskul?” Tumango ako. “Mabuti naman, Anak. Sabihan mo ako if may problema ka o mayroon kang mga pinagdadaanan. Huwag na...” “...maglilihim kay Mama.” Napatawa kaming dalawa ni Mama. Nasaulo ko na ang linyang 'yon kay Mama. Palagi niya 'yong sinasambit at pinapaalala sa amin. Ayaw niya kasing mayroong naglilihim sa kanya. Pinalaki kami ng aking mga magulang na punong-puno ng mga birtud at aral sa buhay. Dinidisiplina niya kaming magkakapatid, gano'n din si Papa. Sabay kaming napalingon sa pinto nang mapakinggan namin ang boses ng pamilyar na tao. “Maaari rin ba akong makisali sa meryenda?” Niluwa ng pintuan si Papa. Tumakbo kami papunta sa kanya saka sabay kaming tatlong nagmano. Hinalikan naman ni Papa si Mama sa noo sa aming harapan. Panay naman sa pagtili ang kambal. Tila'y kinikilig sa nasaksihan. “Ehem!” Pag-uubo ko. “Ma, ’Pa, may mga bata.” Sabay takip sa mga mata nina Wylex at Danvel. “Ate naman, e!” Rinig kong reklamo ni Danvel. Tinawan pa kami nina Mama at Papa. - Napahikab ako sa labis na antok. Napapakinggan ko pa ang yapak ng aking mga paa patungong pagtahak sa aking silid kung saan din natutulog ang aking kambal na kapatid ngunit, napatigil ako sa paglalakad nang mamataan kong bukas pa ang silid-tulugan ng aking mga magulang. Imbes na sa aking silid ako tutungo ay ro'n ko ipinokus ang paglalakad sa silid nina Mama at Papa upang isarado ang kanilang nakabukas na pinto. Nakalimutan ata nila itong isarado dulot ng labis na antok. Sinilip ko nang bahagya ang loob bago isarado. Ngunit, napatigil ako sa aking binabalak nang mapakinggan ko ang boses ni Papa na tumawag sa 'kin. “Euri, bakit hindi ka pa tulog? Sobrang late na,” seryosong tanong ni Papa. Unti-unti akong pumasok sa loob at nagpakita sa kanya. Naratnan ko si Mamang tulog na tulog na habang si Papa naman ay nakahawak sa makapal niyang Bibliya. “Ah, ’Pa! Uminom lang ako ng tubig. Nauuhaw kasi ako kanina.” Tumango naman si Papa. “Bumalik ka na sa kuwarto mo at matulog ka na, Anak.” Tatalikod na sana ako nang napag-isip-isip kong samahan ko muna si Papa habang siya'y gising pa. Minsan ko na lang nakakausap si Papa nang pangmatagalan dahil abala kami sa mga bagay-bagay. Siya, abala sa pagtratrabaho para maitaguyod ang aming pamilya. Gano'n talaga ang responsibilidad ng isang padre de pamilya. Ako naman, abala sa pag-aaral ko upang masuklian ko ang lahat ng paghihirap nila balang-araw. Ang maibigay ko sa kanila ang aking diplomang nagpapatunay ng aking pagsusumikap. “Papa, maaari mo ba akong kuwentuhan bago ako matulog?” Hindi naman nag-alinlangan si Papa at pumayag kaagad siya. Kinuha ko ang maliit na upuan saka inilapag 'yon sa malapitan kay Papa. Kumunot ang aking noo habang nakasulyap sa kanyang abala sa pagbubuklat sa mga pahina ng Bibliya. Napatigil ito at tumingin sa akin. “Anak, alam mo ba na ang Banal na Bibliyang ito ay ang matinding sandata natin sa buhay?” Mas lalong kumunot ang aking noo. Hindi ko masyadong naintindihan ang nais na ipinapahiwatig ni Papa. “S-Sandata, Papa? Paano nangyari 'yon?” Ngumiti si Papa sa 'kin at ginulo ang aking buhok. “Sa oras ng problema, Anak. Ang pinakamapagkakatiwalaan mo ay ang mga salita ng Diyos. Ito ang magbibigay ng tatag sa 'yo sa anumang kapighatian. Ang lahat ng sagot at kalituhan sa ating mga isipan ay masasagot ng Kanyang mga salita.” Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit napakagaan ng aking loob habang isinasambulat iyon ni Papa. “Papa, ang Diyos ba ay hindi tayo pababayaan?” Muling ngumiti si Papa sa 'kin at iniabot sa akin ang Bibliya. “Hinding-hindi, Anak. Sa anumang pagkakataon ay andiyan Siya palagi sa 'yo. Simula nang ika'y gigising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi. Mapanatag tayo sapagkat andiyan lang Siya palagi. Kaya, huwag kang mawalan ng pag-asa sapagkat iiwanan ka man ng lahat. Hinding-hindi ka Niya iiwanan.” Tuluyang gumaan ang aking loob. Ang mga bumabagabag sa aking isipan ay tila ba’y nawaldas at napalitan ng kasiyahan. Ang lahat ng kabigatan na aking naramdaman ay gumagaan. “Ang bait naman po Niya, Papa. Idol ko na po Siya.” Hindi man sinambit ni Papa sa pamamagitan ng kanyang bibig na masaya siya. Alam kong masaya siya sapagkat halata sa kanyang mukha. “Tandaan mo ang lahat ng habilin namin ng iyong ina. Iyon lang ang tanging maihahabilin namin sa inyong aming mga anak.” Tumango ako sa sinabi ni Papa. “Opo, Papa! Maraming salamat po sa inyo ni Mama.” “O siya, Anak! Matulog na tayo. Bumalik ka na sa iyong silid.” Tumayo ako saka naglakad papatungo sa pintuan. Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti ko sa lahat nang napakinggan ko mula kay Papa. Isasarado ko na sana ang pinto ng aking mga magulang nang muling nagsalita si Papa. “Anak, kahit anumang dagok na darating sa ating pamilya. Huwag na huwag kang mawalan ng pag-asa.” Kanina ko pa namamalayan ang mga payo ni Papa. Tila, parang ang kanyang mga payo ay payo ng mga namamaalam. Iwinaksi ko na lang ang aking negatibong naramdamang saglit na bumalot sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD