Leftover 01

1440 Words
Hinalikan ni Mama ang aking noo saka nagpaalam siyang ihahatid na niya ang aking mga nakabubunsong kapatid sa kanilang mga silid. Kumaway naman ako sa kanilang tatlo habang tinitingnan sila papalayo. Napagdesisyunan ko na ring magsimulang maglakad. Gustong-gusto ko ang sikat ng araw ngayon. Hindi masyadong mainit sapagkat alas-sais pa ng umaga. Napakapresko rin ng hangin dulot ng mga matatayog na mga punong-kahoy na pumapalibot sa buong campus. Medyo kaunti pa ang mga estudyante na naglalakad. Ang iba kararating lang din kagaya ko. Napapangiti na lang ako habang kumakaway sa akin ang mga iba't ibang mga bulaklak kagaya na lamang ng pulang-pulang rosas, mayroon ding sampaguitang ubod sa kaputian, santan at gumamelang kulay dalandan. Ang pamantasang pinapasukan ko ngayon ay pinapahalagahan ang kalikasan kaya nagbibigay sila ng oras upang makapagtanim ang mga mag-aaral at mga guro sa kalahating araw ng Biyernes. Hindi rin ako nagpapahuli sa ganitong mga aktibidad sapagkat kung gaano kahalaga ang buhay ng isang tao, gano'n din kahalaga ang buhay ng kalikasan. Ang buhay ng isang tao ay nakadepende sa kanyang kapaligiran. Nasa lobby na ako ngayon. Iilang hakbang na lang ang lalakarin ko at makakaabot na rin ako sa aking silid-aralan. Muli akong napangiti nang masulyapan ko na ang pintuan ng aking silid-aralan saka hindi nag-alinlangang bilisan na ang aking paglalakad. Mayamaya'y sa wakas ay nahantong ko na rin ang aking destinasyon. Pumasok ako sa loob at umupo agad-agad sa aking armchair. Iilang takbo ng oras ay tumunog ang kampana ng pamantasan. Ito ay nagpapahiwatig na magkakaroon na ng flag ceremony. Ang iba kong mga kaklase ay nagsitakbuhan na sa labas. Iilang mga Linggo na ang nagdaan ngunit wala pa rin akong naging malapit. Hindi kasi ako palakaibigan, mas gusto ko pang mapag-isa kaysa makihalubilo sa kapwa-tao. Nag-fall-in-line kami sa aking mga kaklase. Bigla na lang akong napalingon sa mga kapwa ko estudyante. Ang iba ay nakatuon sa seremonya, ang iba naman ay panay daldalan. Napabuntonghininga na lamang ako sa kanilang mga inasta. Inayos ko ang aking pagkakatayo sa linya saka dumulog na sa sinimulang seremonya. Inunahan ito ng pagdarasal. Muling umalingawngaw ang daldalan sa kabilang linya. Nakakunot-noo kong pinagsusulyapan ang grupo ng mga babaeng estudyante. Kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kanila nang namalayan kong nakatitig ang isa sa akin. Muli kong itinuon ang atensyon ko sa seremonya at hinintay na magsisimula na ang Lupang Hinirang. Muli akong naglakad ng mag-isa nang katatapos lang ng flag ceremony. Seryoso lang akong naglakad hanggang sa namalayan kong may humawak na kamay sa aking pulsuhan. Napahinto ako at dahan-dahang lumingon upang alamin kung sino iyon. Ngumiti sa akin si Danvel kasama si Wailex na nakahawak sa kanya. Ang cute talaga ng kambal kong mga kapatid. “Oh, bakit hindi kayo sumunod sa Teacher Tiffany niyo?” nag-aalala kong tanong. “Nahihiya kasing mag-approach si Wailex, Ate.” “Oh, bakit siya nahihiya? Crush mo ba Wailex ang Teacher mo?” natatawa kong ani. Ngumuso na siya. “H-Hindi po, Ate.” Pinagkakamot niya ang kanyang ulo. “Natatae kasi siya, Ate. Ayaw niyang si Teacher ang sasama sa kanya at magpupunas sa kanyang puwit. Mabaho kasi popoo niya.” Binatukan ni Wailex nang mahina si Danvel saka krinus pa ang mga braso nito. Inis nitong sinulyapan ang kambal niya. “I ha-hate you, Dan!” pa-English pang aniya. Natawa na lang ako sa dalawang napatingin. Hinawakan ko ang braso ng dalawa. Pumagitna ako. “Tara na, pupunta na tayo sa CR upang makapag-popoo na at mapunasan na ang puwit ni Wailex.” “Ate naman, e!” Narinig ko pang pagrereklamo ni Wailex. Muli akong natawa. - “This is my family. This is my Dad. He is a well-known businessman. This is my Mom. She's an incredible doctor.” Pagpapakilala ng aking kaklase sa kanyang pamilya sa harapan habang hawak niya ang kanyang ginawang picture frame. Pagkatapos nitong magsalita ay umupo agad ito sa kanyang silya. Napakinggan ko ang pagtawag ni Ms. Olivia sa aking pangalan. Tumayo ako nang walang pag-alinlangan at tumungo sa harapan. Hinawakan ko nang mahigpitan ang aking mismong gawang picture frame. Unti-unti kong ipinakita ito sa buong klase. Ramdam na ramdam ko ang mga maraming matang titig na titig sa akin. Huminga ako nang malalim saka sinimulan nang pakawalan ang aking mga salita. “Magandang araw sa ating lahat. Ako si Euri Israeli. Ito ang aking pamilya...” Pinakawalan ko ang aking bonggang-bonggang ngiti upang matakpan ang aking kanina pang naramdamang kaba. “Ang aking ina ay isang maybahay. Siya ang nag-aalaga sa akin at sa aking mga kapatid na kambal. Napakagaling ni Mamang magluto ng pancake at magtimpla ng kapeng gawa sa bigas na mais. Katunayan, nawawala ang pagod ko kapag natikman ko ang mga luto ni Mama, lalo na ang kanyang malinamnam na pancake. Si Papa ko naman ay isang construction worker. Kahit man sa kabila ng kanilang pagod sa trabaho, binibigyan pa rin nila kami ng oras. Lubusan kong hinahangaan ang aking mga superheroes, ang aking mga magulang. Simple man ang pamumuhay, ngunit namuhay kami ng masaya kasama ang Diyos.” Ngumiti ako sa kanilang lahat. Nakita ko sa kanilang mga mata ang paghanga. Hindi ko inaasahang pagkatapos ng presentasyon ko ay makakatanggap ako ng palakpak mula sa kanilang mga kamay. Ang gaan pala sa pakiramdam. - Papunta na ako sa silid-aralan ng kambal nang maramdaman ko ang mga yabag ng mga paang kanina ko pa nahalatang sumusunod. Hindi pa rin ako lumingon at 'di inalam kung sino 'yon. Laking-gulat ko na lamang na may biglaang humarang sa aking harapan, ang grupo ng mga babaeng nasilayan ko kanina sa flag ceremony. “Bakit mo kami pinagtitingnan nang mariin kanina?” Mataray ang pagkakasabi niyon ng isa, ang nahalata ko kaninang nakatitig sa akin pabalik sa oras ng seremonya. Hindi ako makasalita sa sobrang pagkagulanta sa kanilang inasta. Hindi ko inaasahan ang kanilang pagdating at pagbulabog sa akin. “A-Ano ang ibig mong sabihin? W-Wala,” naguguluhan kong tugon. Hindi maiproseso ng utak ko ang mga sasabihin. “Nagmaang-maangan ka pa talaga e, ’no?! Alam mo ba na kami ang mga reyna ng campus na ito at walang sinuman ang tatangkang titingin sa amin nang masama kagaya ng iyong pinakawalan kanina,” singit ng isa na may mapupulang labi, dahil sa labis na paglagay ng lipstick. “Hindi ko alam 'yon at hindi rin ako interesadong alamin 'yon. Ang pinunta ko rito ay ang mag-aral nang mabuti at hindi ang alamin ang mga pasikat sa campus na ito,” mahinahon kong pagkakasabi. Tumaas ang kilay ng isa pang babaeng nakasuot ng rainbow na headband. “Did you hear that?” napamaang nitong giit. Lumapit pa ito sa akin at biglang hinaplos ang aking mahabang buhok. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang inilapit niya sa aking tainga ang kanyang bibig at may ibinulong. “This is war.” Napahiyaw ako sa sobrang sakit nang pagkahila niya sa aking buhok. Kinaladkad niya ako papalabas ng gate at panay tawanan lang ng kanyang mga kasamahan. Tiningnan lang kami ng mga ibang estudyante. Pinatigil siya ni Manong Guard ngunit sinamaan lang siya nito ng tingin. Halatang takot na takot ang mga estudyante sa grupong ito. Halata ngang maimpluwensiya sila sa campus. Napakinggan ko ang mga bulung-bulongan nila. 'May biktima na naman ang anak ni Gng. Hernandez.' 'Anak ba talaga 'yan ng ating principal? Ang gaspang ng ugali.' Kaya pala malaki ang ulo, anak pala ng principal. Pinilit kong labanan siya ngunit pinagtutulungan na ako ng kanyang ibang kasamahan. Nabigla na lang akong masilayan na nasa kalsada na kami. Ang bilis ng mga pangyayari. Pinagtutulungan nila akong sabunutan at saktan. Hindi na lang ako pumatol, hinayaan ko na lang sila. Namilog ang mga mata ko nang tinulak nila ako papunta sa gitna ng kalsada saka nag-uunahan silang tumakbo pabalik sa gate at panay tawa. Pilit akong bumangong muli ngunit huli na ang lahat. Hindi ako makagalaw habang tinitingnan ko ang papalapit sa aking sasakyan na halatang nawalan ng preno. Napakinggan ko ang pag-uulit ng busina nito. Nasilayan ko ang mukha ng driver. Napakinggan ko ang tarantang pagsigaw ng mga estudyante ngunit ang sigaw ng pamilyar na boses ang umagaw ng aking atensyon. Dahan-dahan akong napalingon sa pinagmulan niyon at nasilayan ko si Mama na papatakbo sa kinaroroonan ko. Tinulak niya ako sa kabilang parte ng kalsada. Agad akong inalalayan ng mga tao. Naratnan ko na lang ang aking ina na tumilapon at nakahandusay na duguan sa kalsada. Nangilid ang aking mga luha nang makita ko si Mama na nakatingin sa aking gawi habang nakangisi. Masaya siyang nailigtas niya ako. Nawalan ako ng malay nang makita ko si Mamang naghihingalo sa kanyang buhay at duguan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD