“Nagseselos ka ba?” Ayan na naman siya. Kakasabi lang kanina, eh. “Biro lang. Na-cu-cute-an kasi ako kapag naiinis ka. Ang gandang tingnan kapag namumula ang 'yong pisngi. Nagmumukha kang kamatis.” “Trake naman... Sumusobra ka na ha?” “Sorry na kasi... Pinapatawa lang kita. Ang seryoso mo kasi masyado, nagmumukha ka nang Kuya Brentford mo.” Talking about him, hanggang ngayon umaasa pa rin akong magkaroon siya ulit ng pakialam sa akin. “Mukhang malalim ata ’yang kasalukuyang iniisip mo, ah...” “Sorry, hindi ko lang maiwasang palaliman pa itong pag-iisip ko. Pati nga ako lunod na lunod na, eh. Singlalim kasi ng bangin ang pag-iisip ko ngayon,” sambulat ko. Nahalata naman niyang parang nag-iba ang takbo ng daloy ng kuwento naming dalawa. “Talking nga pala about your Tiyo Joaquin. Ipu-p

