Kaharap ko na ngayon si Mommy Natascia. Ibinalita ni Trake sa kanya ang nangyari kanina sa lalaking nakasumbrerong mabilisang kumaripas ng takbo nang mahuli naming nakamasid sa amin sa loob ng aking silid. Hindi mapakali si Mommy sa nabalitaan. Natunghayan ko sa kanya ngayon ang labis na bagabag na tumimo sa kanyang katauhan. “Plano kong magpadala ng mga body guards dito Euri hanggang sa hindi ka pa tuluyang gumaling at nakalabas sa ospital. Mas mainam na mag-doble ingat nga tayo. Hindi natin alam kung mayroon bang kasabwat iyang Tiyo Joaquin mo at kung mayroon ba iyang ibang planong sirain ang pamilya natin.” Napatango naman si Trake. Halatang-halatang sumasang-ayon siya sa ideyang iyon ni Mommy. “Tama iyan, Tita. Iyan nga ang gagawin natin. Hindi natin dapat na hayaang sirain na nama

