Unti-unti siyang nagsagawa ng hakbang papalapit sa amin at habang patuloy siya sa paglalakad, lumuluha siya sa mismong harapan namin. Andito ba siya upang magmakaawa ukol sa kaso na isinampa ni Mommy Natascia kay Tiyo Joaquin? Tuluyan siyang nakaharap sa akin. Naramdaman ko ang mga matang titig na titig sa aming dalawa ni Tiya Kassandra. Alam kong nabigla sila kung sino itong babaeng nais akong kausapin ngayon at si Mommy. Hinintay ko siyang magsalita dahil hindi ko naman alam kung paano simulan ang pagkakaroon ng conversation sa kanya. Ang hirap pala nang ganito. Iyong muli mong makita ang isa sa mga taong nagtakwil sa ’yo at hindi ka noon itinuring na tao. “Euri... K-Kumusta ka na? A-Ang laki mo na at ang ganda-ganda pa.” Nahalata kong hindi siya halos kampanteng makipag-usap sa akin.

