Napakinggan ko rito sa labas ang alingawngaw ng tunog ng musikang pang-Pasko na siyang kanina ko pa napapakinggan habang nagbabasa ako ng mga artikulo patungkol sa espiritwal na mga bagay. Mas sinubsob ko pa ang aking sarili sa pag-aaral ng salita ng Diyos sapagkat mas nais kong maintindihan ang kalooban Niya sa akin. Napakabilis ng takbo ng panahon at ang pinakahihintay ng lahat ay ang Pasko. Ika-25 ng Disyembre ngayong araw at kakalabas ko lang din ng ospital. Hindi man gaanong madali ang mga pinagdadaanan ko ngunit mabuti na lang ay nakabalik na rin akong muli sa bahay. Magdidiriwang na naman ako ng Paskong hindi sila kasama sina Danvel at Wailex. Tiniis ko iyon sa maraming taon at hanggang ngayon ay patuloy kong sinanay ang sarili ko na wala sila sa aking tabi. Napaka-aya-ayang mal

