Hindi ko inaasahang kakausapin ako nina Grandma at Grandpa mismo rito sa 'king silid. Kinakabahan ako ng saglit dulot ng kanilang presensya ngunit nang dahil sa kanilang matamis na pagngiti sa 'kin ay napanatag naman akong magiging maayos lamang ang lahat lalong-lalo na ang aming pag-uusapan ngayon. “I am so glad Iha, seeing my grandson very happy. It's been a long time na hindi namin nakikita ang mga pagngiti niyang 'yon. When he's in Singapore, puro seryosong mukha lamang ang palaging bumubungad sa 'min dulot ng pagkawala ng Daddy niya,” pagkukuwento ni Grandpa Alfredo. Ang tanging ginawa ko lamang ay makinig dahil patungkol na naman sa nakaraan namin ni Brentford ang kasalukuyan naming pinag-uusapan. Wala akong maitugon sa kanila pabalik kundi ang tahimik. “And he's very angry with hi

