Binitawan ko ang bouquet of white sampaguitas at tumalikod sa kanilang lahat. Ang sakit-sakit ng ginawa niya. At the end, kagaya ng nangyari sa 'kin noon, nasira muli ang ipinagkaloob kong tiwala. Akala ko, akala kong hindi niya gagawin 'yon. Ang sakit ng ginawa ni Brentford sa 'kin at hindi ko maakalang pati ang taong nakasama ko nang kaytagal ay mawawala rin sa 'kin. Ang dali sa kanyang pakawalan ang lahat – pati ako, pinakawalan niya. Nabigla ako nang hinila niya ako at mahigpit na niyakap. Sinasaksak ang puso ko ng matindi at mas lalo akong naguguluhan sa mga nangyayari. “Ayaw kitang maging girlfriend ko dahil gusto kong dalhin mo na ang apelyido ko. Papayag ka ba kung aayain kita ng kasal?” bulong niya sa 'kin at unti-unting kumiwalas sa kanyang mahigpit na pagkakayakap sa 'kin. N

