Leftover 56

1449 Words

"Ate Euri, nasaan ka? B-Bakit mo kami pinabayaan?" Umi-echo ang boses ni Wailex habang tumatawag sa akin. Nasisilayan ko siya sa isang banging nakakapit at malapit nang mahulog. Napakadilim ng banging iyon at hindi mo malalaman kung saan ang hantungan o ang pinakadulo nitong bahagi. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanyang kinaroroonan at hinawakan ang kanyang kamay upang siya ay tuluyang maiahon mula roon sa bangin. Nagsimula nang tumulo ang luha ko. "W-Wailex, hindi ko kayo pinapabayaan ni Danvel. Hinanap ko kayo. Parati kayong nasa isip ni Ate Euri. Kapit ka sa kamay ko, ha? Walang bibitaw!" Sinubukan ko siyang hilahin ngunit kahit anong hila ko ay parang may humihila sa kanya pababa. Mas lalong bumigat ang aking pakiramdam nang nagsimula na rin siyang umiyak ng dugo sa kanyang mg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD