“H-Hindi mo kailangang mag-sorry.” Napayuko ako dahil hindi ako makatitig sa kanyang mga matang sobra ko talagang nagustuhan simula noon pa. “I... I have the same feelings for you, too.” Iyon lang ang nasabi ko sa kanya. Wala na akong maipahayag pa. Naramdaman ko na lang ang kanyang yakap habang tinapik-tapik ang aking likuran. “You made me the happiest man tonight, Euri. I will court you at handa akong maghintay hanggang sa makapagtapos ka ng kolehiyo. Alam kong sa ngayon, ayaw mo pang magkaroon ng boyfriend. Kakayanin kong maghintay nang kaytagal, just for you. I will ask permission to Mom, I am willing to court you. I want you to be mine... For the rest of my life. I like you so much and I love you.” Tumulo ang luha ko nang tuluyan. Ramdam ko ang kanyang senseridad sa lahat nang kanya

