Leftover 28

2591 Words

“Uy, Euri! Kumusta ka, girl?!” bungad kaagad sa akin ni Damian nang makarating ako sa classroom. Sinulyapan ko siya sa kabuuan ng kanyang mukha pati na ang kanyang tindig. Lalaking-lalaki talaga ang dating ngunit kapag nagsalita na, riyan na lalabas ang tunay na kulay ng isang feeling babae. “As usual, Damian, ah! Nakaka-attract hitsura mo. Wala ka bang balak na maging lalaki?! Sayang kasi ang lahi mo.” Halos hindi mahitsura ang kanyang mukha nang tanungin ko iyon. Imposible nga talaga. “Tss, malabo talaga, girl. Mas gusto ko talaga ang kapwa talong, eh. Hindi ko keri ang mani ninyo.” Bibig talaga nitong baklang ’to. Damian, ang naging bagong kaibigan ko simula noong Grade 7 ako sa bagong pinasukan kong pamantasan. Kagaya ko’y Special Science Class din siya at blocked section pa rin kam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD